Chapter 18: Wounds

1.5K 68 9
                                    

Ang Nakaraan...

Bzzzzzztt!Bzzzzzt!

Napaigtad siya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone.(Oo.Wag kayong ano.Nag-vibrate yan). Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo. Halos mabulag siya nang liwanag. "Ugh!" sobrang sakit ng ulo niya. Tinanghali na naman siya nang gising.

Kinapa niya ang nasa tabi niya,"Panaginip," sa isip niya. Isa na namang panaginip. Muli ay napanaginipan na naman niya ang araw na iyon. Napa-facepalm siya at napahinga nang malalim.

Pilit niyang inabot ang kanyang cellphone. Kung sinuman ang g*gong pumutol sa napakaganda niyang panaginip, malilintikan talaga kung hindi importante ang itinawag nito. Napangiti na lamang siya at napailing. Hanggang panaginip talaga hindi siya tinitigilan ng kanyang nakaraan;nakaraang pilit niya nang ibinabaon sa limot.

Matagal-tagal na din nang huling mapanaginipan niya yun,siguro dahil napag-usapan nila kahapon ang Boracay at alam niyang naroroon si Karylle kasama ang fiancé nito.

Tinawagan siya ni Gen. Atenzion at kinunsulta sa kinakasa nilang misyon hinggil sa hinihinilang hideout na pinagtataguan sa nawawalang senador. Binanggit din nito ang request ni Karylle at ni Angelito na payagan silang magbakasyon sa Bora. Hindi naman siya tumutol.Wala naman siya sa posisyon para pigilan ang dalawa sa mga gusto nilang gawin.

Napakamot na lamang siya sa kanyang batok at hinagod ito. Pinindot niya ang telepono at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

"Chief," si Jugs.

"Ano?" inis niyang tanong. "To talagang si Jugs, perpek tumiming tuwing tatawag eh,"sa isip niya.

"LBM?"tanong ni Jugs. Kabisadong-kabisado na nito ang kaibigan. Kapag ganitong masama ang timpla,siguradong may hangover na naman, Lasing Bago Matulog.

"Napatawag ka. Ano ba kase yun?"inip niyang tanong.

"Nasa operation na ang team. May nagtip kay General Atenzion na may itinatago di umano sa isang secret location.Ang hinala nila si Senator M na yun," pagbabalita ni Jugs.

Napakunot naman ang noo ni Vice dahil alam naman niya ang tungkol dito. Ayon pa nga sa General hindi basta-basta ang misyong ito kaya nga kinailangang i-pull-out sina Vhong at Billy bilang bodyguard ni Karylle na kasalukuyang nasa Boracay.

"Eh kase Chief, uhm--may problema tayo,"

Napaupo naman nang maayos si Vice at matamang nakinig. "May nangyari ba sa team? Sa senator?"sa isip niya. Bigla siyang kinabahan. Kaya ayaw niyang lumalakad ang team ng wala siya eh, ayaw niya yung ganito na parang wala siyang kontrol sa mga mangyayari.

Kasalukuyan siyang nasa Davao para hanapin ang isang mahalagang tao na maaring makatulong sa kanyang pag-iimbestiga. Sobrang halaga na mahanap niya ang taong ito at makausap kaya naman di niya maipagkatiwala na lamang sa iba ang paggawa nito; siya na mismo ang lumakad.

"Kase Chief, si Karylle--"

"Oh,anong si Karylle? Anyare?"usisa niya.

"Chief, nawawala si Karylle!"pagbabalita ni Jugs.

"ANO!?"bulalas niya. "F#ck!Paano?"

Sa Pagpapatuloy...

Napatayo si Vice sa narinig.Napasapo na lamang siya sa kanyang sentido na ngayon ay todo ang kislot.

"Kanina ko pa tinatawagan yung tatlo,walang sumasagot. Si Angelito,kagabi pa daw umalis eh,"si Jugs.

Paikot-ikot si Vice habang nakikinig sa kay Jugs.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon