Chapter 15: #Sorry

1.6K 74 21
                                    

Ang Nakaraan...

Masayang-masaya si Karl na nakikipag-apir kina Jhong, Ryan at Teddy. Paano ba naman kase, namumuro ito sa kanilang lar0.

"Oh!Makinig-makinig," excited na sabi ni Jhong. "Sa letrang B! Katorse!"

"Bingo!" masayang sigaw ni Karl na agad tumayo at sumayaw-sayaw pa. Tapos ay kinulekta nito ang nga barya sa isang lalagyan.

Nagdilim ang paningin ni Karylle sa nakita. Talaga namang bumingo na ang team Vice sa pagkakataong ito. Dali-dali siyang sumugod sa kanila at marahas na hinila si Karl.

"Anong kalokohan ang tinuturo niyo sa anak ko!?"galit na bulalas nito kina Jhong, Ryan at Teddy. Nagpupuyos siya sa galit at ibinalibag ang mga Bingo paraphernalias sa table.Kinuha niya ang ibang naiwan pati na ang baryang kanina'y tinipon ni Karl.

"Patay!"sa isip ng tatlo na parang mga batang nakayuko at nagsusulyapan.

Hindi na niya hinintay na makapagpaliwanag ang tatlo dahil huling-huli na sila sa akto. Akay-akay si Karl, kinaladkad niya ito at padabog na tinungo si Vice sa kinaroroonan nito.

Lalo pang nagdilim ang kanyang paningin sa kanyang inabutan.

Hindi mapigilang humagikgik ni Vice. Nakikiliti siya habang minamasahe ni Alex. Ni hindi napansin ng binata ang kanilang pagdating.

Hindi na nakapagtimpi pa si Karylle at ibinato sa pagmumukha ni Vice ang bitbit niyang mga barya at bingo cards.

Gulat na napatayo si Vice at galit na hinarap ang nambato sa kanya. Natigilan naman siya nang salubungin siya ng matalim na titig ni Karylle.

Sa pagpapatuloy...

Five minutes bago dumating si Karylle...

Seryosong iniisa-isa ni Vice ang mga dokumentong dala ni Alex. "Alam mo, masyado ka namang seryoso dyan eh. Pag ba sumimangot ka at nagka-wrinkles maso-solve ba natin kaagad tong kaso na 'to?" biglang hirit ng dalaga.

"Wag mo masyadong dinidibdib. Sige ka, nagmumukha ka ng 70 yrs. old,"hirit pa nito at minasahe sa sentido si Vice.

"Ah ganun?Ikaw nga dyan eh. Ang payat-payat mo na. Mas mabigat pa saiyo yung toothpick pag tinimbang. Di ako magtataka pag nilipad ka ng hangin,"bawi ni Vice.

"Ah ganun ah. Mas mabigat pala ha," ani Alex at tapos ay pumunta sa harapan ni Vice at bigla itong nagpakandong.

Sanay naman na sila sa ganitong biruan. Kay Vice, wala namang malisya dahil nakababatang kapatid na ang tingin niya sa dalaga.

"Alam mo, wag masyadong masungit, ano ho. Juice mayonnaise!Tatanda kang binata niyan eh,"hirit pa nito. Si Vice naman, natatawa na lang sa pinagsasabi ni Alex.

Kung ano-ano pa ang hirit nitong joke at parang batang kinukulit si Vice. Hanggang sa nauwi na sa tawanan ang kanilang usapan.

"Alam ko na. Sama ka sa birthday ni Gen. Atenzion. Ipakikilala kita sa BFF ko. Sige na,"nakangiting sabi ni Alex. "Please."

"Party?Wala akong hilig sa ganyan," ani Vice.

"Eeeh!Sige na kase. Sama ka na,"nakapout na sabi ni Alex.

Umiling-iling naman si Vice. "Ayoko. Hindi naman ako invited. Wala akong driver. Tinatamad ako,"tanggi nito. Choz!

Mabilis na tumayo ang dalaga at nagpunta sa likuran ni Vice. Tapos ay minasahe niya ang binata mula ulo papunta sa likuran nito.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon