Chapter 9: 'Di End

1.7K 74 43
                                    

Ang Nakaraan...

Matapos ang mahaba-habang habulan, nagulat na lamang siya nang huminto sila sa may harap ng gate ng kanilang bahay.

Tulala niyang minasdan ang paligid habang mahigpit pa ring nakayakap sa lalaki. Nakalapat ang kanyang mga palad sa matipuno nitong dibdib.

"Ehem!"

Natauhan si K nang tumikhim ito. Bigla siyang nakaramdam nang hiya at dali-daling bumaba. Sa pagkataranta sumabit ang heel ng kanyang sapatos sa motor at muntik na siyang matumba. Mabuti na lamang at mabilis siyang nasalo ng mahaba at matipunong braso nang mamang nakahelmet. Agad siya nitong nahawakan sa bewang at nahila papalapit, preventing her from falling into the ground.

Wala sa loob na napayakap si K sa lalake. Pakiramdam niya'y tumigil ang oras nang magtama ang kanilang paningin. Tumigil ang kanyang paghinga at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

//

"-----------------The End------------"

Sa Pagpapatuloy...

The End.

Yan ang bumungad kay K pagmulat niya ng kanyang mga mata.

"Babe. Hey babe," malambing na sabi ni Angelito. "C'mon. We have to prep up. It's 5 pass 6."

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya habang nagmo-movie marathon sila ng anak niyang si Karl.

"Huh?Uh-uhm. Sorry babe," ani K habang kinukusot ang mata niya. Nginitian lamang siya ni Angelito at hinagkan sa noo.

"Tayo na dyan babe. Mali-late na po tayo," ani Angelito.

"Sorry. Okay. Bibilisan ko," ani K.

"Okay. I'll just wait downstairs. May tatawagan lang ako," ani Angelito at sabay kiss kay K sa cheek at lumabas na ito ng pinto.

Napahagod na lang siya sa kanyang sintido at napabuga ng hininga. Isang linggo na ang nakalipas buhat nang mangyari yun pero hindi mawala sa isip nya ang mga pangyayari. Lagi na lang ang lalaking yun ang laman maski ng kanyang mga panaginip.

Mariin siyang pumikit at napa-facepalm.

Naalala na naman niya ang last part. Ito kase yun. Sorry na.Nasabihan tuloy akong adik.✌🏼️😁

//

Tulala niyang minasdan ang paligid habang mahigpit pa ring nakayakap sa lalaki. Nakalapat ang kanyang mga palad sa matipuno nitong dibdib.

"Ehem!"

Natauhan siya nang tumikhim ito. Bigla siyang nakaramdam nang hiya at dali-daling bumaba. Sa pagkataranta sumabit ang heel ng kanyang sapatos sa motor at muntik na siyang matumba. Mabuti na lamang at mabilis siyang nasalo ng mahaba at matipunong braso nang mamang nakahelmet. Agad siya nitong nahawakan sa bewang at nahila papalapit, preventing her from falling into the ground.

Wala sa loob na napayakap si K sa lalake. Pakiramdam niya'y tumigil ang oras nang magtama ang kanilang paningin. Tumigil ang kanyang paghinga at bumilis ang tibok ng kanyang puso. They stayed like that for years.Charot.Sandali lang naman.

"Chansing pa," bulong nang lalaki. "Pigilan mo yan,mag-aasawa ka na," hirit pa nito.

Natauhan naman si K sa narinig. Agad siyang napabitaw kaya naman muli siyang natapilok. Napahigpit tuloy ang hawak ng lalake sa bewang niya.

Pilit naman siyang kumawala sa pagkakahawak nito,"Ka-kaya ko,"aniya at umayos siya ng tayo.

She heard him chuckle. Kumunot ang noo ni K.Parang pamilyar kase ito sa kanya. Nag-clear ng throat ang lalake at nag-iwas ng tingin. Siya namang pagbubukas ng gate at pagsilip ng isa sa mga pulis.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon