59- Mingyu

115 13 6
                                    

•MINGYU

"Eunha..."

"Jung Eunha..."

"YAH-JUNG EUNBI!" eunha startled when I shouted her full name. nagdidilig lang siya ng kanyang mga halaman hanggang sa nadiligan niya narin ang sapatos ko. mukha syang maayos tingnan pero ang totoo ay wala siya sa sarili. parang blangko parin ang isip niya simula pa nung araw ng kanyang graduation.

sabagay, paano ba siya magiging maayos sa kabila ng mga nangyari? nalilito na siya. hindi na niya kaya.

"as I was saying...char! english yun ah HAHAHA!" para akong baliw dito. di na siya natatawa sa pag-e-english ko, tumango-tango lang sya na parang robot.

hindi ko na kinaya. hinawakan ko ang kanyang mga balikat at iniharap siya sakin.

"come with me."

"saan tayo pupunta?" tanong niya habang ako ay nagmamaneho ng pick-up ni Mrs. So na hiniram ko.

"doon sa malayong lugar, kung saan walang makakasakit sayo." kung saan wala si jungkook.

"bakit tayo pupunta dun?" para siyang bata, marami siyang tanong pero wala naman siyang pakialam sa mga isinasagot ko. nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

"sabi mo magtanan na tayo diba?" pagbibiro ko.

"sinabi ko yun?"

"oo, sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin."

"ahh sige..." hindi na siya over-reactant kagaya nang dati. fck, ayaw kong ganito siya.

"ganito nalang, where do you want to go ba? amusement park? mall? libre kita."  tanong ko. baka lang kasi hindi nya magustuhan ang lugar na ipapakita ko sa kanya.

"away. i want to go away." mahinang sabi niya.

"walang lugar na nagngangalang 'away' sa google map."

"pfft-!" pagpipigil niya ng tawa. napangiti ako dahil muntikan ko siyang mapatawa.

"we're here."

"house of little angels?" napatingin ako sa kanya nang kanyang banggitin ang pangalan ng orphanage. naaalala niya pa kaya ang dati?

"oo, dito tay-no, ako lang pala, lumaki. may naaalala ka ba dito? something like deja vu?"

umiling naman siya. what do i expect. she only spent few months here before she got transferred to other orphanage. moreover, she's too young. she'll never remember me.

"pero nakapunta na ako dito kasama si ano, si..si--" , "ahh si ano, kilala ko na huwag mo nalang banggitin kung di mo pa kaya. " i cut her words and give her a smile.

"in fact dinala nga kita dito para makalimutan siya pero sana di nalang. naalala mo pa tuloy siya. di mo naman kasi ako ininform. "

that bastard. pumupunta pa pala siya dito. tsk

natawa naman siya sa sinabi ko. inaya ko siya na pumasok sa gate ng orphanage, sinalubong naman kami ng mga bata.

"kuya pogiii!"

"eunha-noona/eonnie!"

napangiti ako dahil sa kanilang mga ngiti, maging si eunha ay napangiti rin. isa-isa kong ginulo ang kanilang mga buhok at sinabihan sila na huwag pagkumpulan si eunha.

"kuya pogi bat kayo magkasama ni eunha-noona?"

"eunha-eonnie nasan po si kuya jung--", "UYY mga bata, di niyo ba ako namiss? ang nakamiss sakin bibigyan ko ng maraming halik sa kili-kili?" pinigilan ko na bago pa mabanggit ng mga bata ang pangalan ng taong hindi namin kailangan.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now