62- Clearing Things

159 12 10
                                    

•EUNHA

"sige, basta lalabas tayo mamaya ah." paninigurado ni Mingyu na pabalik na sa kanyang apartment pagkatapos niya akong ihatid.

tumango naman ako habang pinipilit na ngumiti. mas gusto niyang samahan ako dito sa aking silid kaysa kausapin yung mga dumating niyang bisita kaya pinangakuan ko siyang sasama akong lumabas kasama siya mamaya basta't haharapin niya sila Jungkook at Lisa.

marahan kong sinara ang pinto at sumandal dito. nakita ko siya, hindi ako inaasahang makikita ko siya ulit...na kasama si Lisa.

bakit? anong kailangan nila kay mingyu? he said it's none of my concern yet i couldn't help myself but to get curious.

ano kaya ang inisip niya nong nakita niya kami ni mingyu kanina? hindi ko naiwasang di mahiya kahit alam kong wala siyang paki sakin.

sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayang dumausdos na ako sa sahig. pinagdikit ko ang aking mga paa at ipinatong ang ulo ko sa aking mga tuhod.

di ko parin siya kayang kalimutan...

di ko namalayang nakaidlip pala ako sa sahig at nagising nalang nang may biglang kumatok sa aking pinto.

tumayo ako para pagbuksan ang kumatok, laking gulat ko ng tumambad si Lisa sa aking harapan.

"hi..." she awkwardly smiles.

•MINGYU

"so anong gusto mong pag-usap at kailangan mo pang ipagtaboyan ang maganda kong bisita?" tanong ko pagbalik ko sa apartment. umupo ako sa harap ni jungkook kahit labag sa loob kong harapin siya.

nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"nililigawan mo ba sya?" seryosong tanong niya na ikinagulat ko. nakita ko namang siniko siya ng mahina ni Lisa.

i placed my hand infront of my mouth and started massaging my chin, thinking of an answer. did he seriously just came here and ruined my time with eunha to ask that?

"anong paki mo?"

"bakit mo ginagawa to?"

i frowned. ano bang pinagsasabi niya? anong karapatan niyang kuwestiyunin ang mga ginagawa ko sa buhay?

"ano ngang paki mo?"

inilapag niya ang isang brown envelope sa harap ko. nanlaki naman ang mga mata ko, pera kaya to? babayarin ba niya ako para lumayo kay eunha? ang advance ko naman mag-isip

binuksan ko naman yun at mga papel lang pala ang laman. binasa ko ang mga iyon, iyon ay mga personal kong impormasyon na alam kong galing sa orphanage niya kinuha.

"wow, you're so interested in me to gather these informations. how are these relevant to my relationship with eunha?" tanong ko. did he perhaps...?

"alam mong hindi kayo pwede Gyu.." umigting ang mga tenga ko nang tawagin niya ako sa palayaw na kailanma'y di ko tinanggap.

i laughed bitterly. ang alam ko nagka-amnesia siya dahil sa matinding shock sa pagkamatay ng nanay-nanayan niyang si Mrs. Choyeon kaya hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikainis na naalala na niya ako ngayon.

well, di ko na siguro kailangan pang magmaang-maangan. naalala na niyang magkakambal kami.

"pano mo naman nasabi Gguk? naging ex-fiancé mo nga siya diba? " tiningnan niya ako ng masama.

"dahil inilayo sakin ang katotohanan noon." ako naman ang tumingin ng masama sa kanya. ayokong marinig mula sa kanya na parang pinagkaitan siya sa lahat ng bagay dahil nakakainis, pavictim amputa.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now