24- Deja vu

346 31 13
                                    

•JUNGKOOK's

"Kaya pala hindi ka nagpaalam sa kanya kanina." sabi ng kasama ko pagkatapos kong ibaba ang tawag.

"Yeah pero parang hindi naman effective eh."

Akala ko pa naman, magseselos talaga siya.

"Ginamit mo pa talaga ako, pano kung magalit yun sakin?"

Natawa ako sa sinabi ni Sinb. I wonder kung anong itsura ni Eunha kung magselos. Pero nakalimutan kong hindi pala siya magseselos kasi wala nga palang kami. Tae, bakit ba lagi ko nalang nalilimutan yun?

"Teka, bakit ka nga ba umuwi at lilipat sa school ko?" tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi ba pwede?" Tanong niya naman pabalik.

"Hindi naman." She sighed before replying.

"Namiss ko lang kasi kayo tsaka...wala akong magulpi sa school ko, puro sila mga babae at nabalitaan ko rin na may fiancé kana."

Natawa ako sa sagot niya, akala ko pa naman magiging mahinhin na siya at natutunan niya na ang dapat ikilos ng isang babae sa school niya since galing siya sa isang all-girls school sa Jeju City, hindi parin pala.

"Yeah, since lilipat ka sa school ko, pababantayan ko sayo si Eunha. Para kasing wala siyang kaibigang babae sa school, sila Taehyung lang ang laging kasama niya dun."

"Bakit hindi ikaw ang magbantay? Fiancé mo yun diba? sige ka pag yun mainlove sakin, walang agawan ha." biro niya na tinawanan ko lang.

Pagkatapos kong siyang ihatid sa bahay ng pinsan niyang si Taehyung ay dumiretso na ako sa bahay.

Pumunta ako agad sa opisina ko, I'm busy this past few days kaya walang nadagdag sa research ko. Kailangan ko pang maghanap ng impormasyon tungkol sa kabet ni Papa.

May kutob talaga akong may kinalaman siya sa biglang pagbagsak ng kompanya namin 12 years ago at sa pagkamatay ni Mama. Pakiramdam ko talaga ay may pinanghahawakan siya na dahilan kung bakit napapaamo niya si Papa. Hindi ko naman sinasabi ito kay Lola kasi hindi pa ako sigurado.

Kailangan kong malaman ang mga plano ng babaeng yun bago matapos ang kontrata ni Eunha sakin.

•EUNHA's

Naging girlfriend kaya ni Jungkook si Sinb?

Pero bakit tinawag na crush ni Sinb si Jungkook kanina?

Maybe they're just childhood sweethearts?

Saan kaya nag-aaral dati si Sinb?

Bakit ang sakit?

Bakit may masakit sakin? Sa bandang ulo?

"Aray..ish!" Mahina kong daing habang hinihimas-himas ang parteng masakit sa ulo ko. Dali-dali kong pinulot ang mga librong nasa sahig, nag-aayos pala ako dito sa library at hindi ko namalayang nahulugan na ako ng mga librong inaayos ko sa bookshelf.

Oh diba ang tanga ko.

Umiling-iling ako para tuluyan akong makaahon mula sa pagkakalunod ko sa isipan ko. Bakit ba hindi ko maalis sa isip ko ang dalawang yun? Ano na kaya ang ginagawa nila? Putang-- iniisip ko na naman!

Bakit kasi hindi nalang ako nagka-amnesia nung mahulugan ako ng mga libro?

"Are you okay?" I startled when the books asked me just now. Wow, did I hit my head that much?

"Are you okay?" I asked the books back. Natuto na ba silang magsalita dahil lagi ko silang kinukwentuhan tuwing nililinis ko tong library? O epekto to nang matamaan ako ng libro?

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now