46- Let it all hang out

311 24 58
                                    

•THIRD PERSON

Nagmamadaling pumasok sa hospital sina Sowon, kaagad nilang tinanong sa hospital reception kung saan ang ward nila Eunha at Jungkook. Namataan ni Jimin ang isang babaeng mukhang natataranta habang tumatakbo. Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan niya ang babae.

"Eunha!" He shouted.

"Saan?!" Agad na tanong nila habang tinitingnan din ang direksyon ng tingin ni Jimin. Hindi na nakalingon sa direksyon nila si Eunha nang nabunggo ito sa likod ng isang matangkad na lalaki.

"Eunha!" Sabay nilang sigaw nang mawalan ng malay si Eunha, mabuti nalang nasalo siya agad nung lalaking nabunggo niya.

Kaagad silang lumapit kay Eunha at tinulungan ang lalaki sa pag-alalay dito. Ipinangko ito ni Jin sa kanyang mga braso, nagpasalamat naman sila sa lalaking sumalo dito.

"Its okay. Mukhang bago pa ang mga sugat niya, bakit ba siya tumatakbo?" natanong nung lalaki.

"Hindi namin alam pero parang may humahabol sa kanya." Umji. Napatingin naman sila Taehyung sa direksyon na pinanggalingan ni Eunha at nakita nila ang isang doktor na tumatakbo papunta sa kanilang direksyon ngunit agad namang huminto nang makita sila, lumiko ito ng daan. Nagkatinginan sila Jimin, Taehyung at Jhope, nangako sila kay Jungkook na poprotektahan nila si Eunha kapag wala siya sa tabi nito.

"Tara, ibalik na natin siya sa ward niya." Sowon.

"Huwag. Dalhin nalang natin siya sa bahay namin." Jimin. Kumunot naman ang mga noo nila.

"Bakit? Nasa hospital na naman tayo." Yuju.

"Mamaya na kami magpapaliwanag, tara na." Jhope. Tumango naman sila Jin at Namjoon, itinakbo na nila si Eunhabo palabas ng hospital habang naiwang hindi makapaniwala ang mga babae.

"Argh! Why are they so stubborn?!" Sowon, sumunod na siya palabas.

"Hoy Jimin! Sigurado ba kayo?! Aish!" Napailing nalang si Sinb saka humabol sa kanila, sumunod na sila Umji at Yuju palabas.

"Doktor ba yung kaibigan nyo?" Umiling lang si Yerin sa tanong nung lalaki.

"Basta, maraming salamat uhm..?"

"Mingyu.

"Maraming salamat talaga Mingyu, bye!" At nagmamadali na siyang lumabas sa hospital.

"Buksan niyo dali!" Utos ni Jin, kaagad namang binuksan ni Jhope ang van, nakita nila ang natutulog na si Suga sa loob, himbing na himbing itong nakahilata sa upuan. Napatingin naman silang lahat kay Jin.

"Ano pang hinihintay niyo? Gisingin niyo ang ugok na yan." Sabay silang umiiling, takot talaga silang gisingin si Suga. Tanging si Jin lang ang nakakagising dito. mga walangkwenta, nakikita naman siguro nilang buhat-buhat ko si Eunha! Jin thought.

"Hawakan mo nga siya." dahan-dahang ipinasa ni Jin kay Namjoon si Eunha. Lumapit siya kay Suga, hinawakan niya ang mga paa nito at malakas itong hinila palabas sa van. Agad naalimputangan si Suga tsaka pinagtatadyakan si Jin pero agad rin itong nakailag, tumawa pa ito ng malakas.

"Bangon na Sugago, may papalit na sa trono mo." Sinenyasan ni Jin si Namjoon na ipasok na sa loob ng van si Eunha, inalalayan naman nila Taehyung.

"Hoy bakit niyo pa dadalhin si Eunha sa bahay nila Jimin?! Nagdurugo na ang mga sugat niya oh! Hindi kayo mga doktor for pete's sake!" Sinb.

"Guys sigurado ba kayo? Baka mapano si Eunha." Yuju. Tahimik namang nagdasal si Umji. Hindi sila pinansin ng mga lalaki at nagsipasok na ang mga ito sa van.

"Jin! Hoy! Kung may mangyaring masama kay Eunha, ipakukulong ko talaga kayo!" Sowon.

"Ang ingay litse.." Suga cursed under his breath.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now