18- Tita

375 34 2
                                    

•EUNHA's

Ayoko na.

Hindi ko na kaya.

Uwing uwi na ako.

Gusto ko ng magteleport.

Nakakatakot yung mga aura nila.

Naramdaman kong hinigpitan ni Jungkook ang paghawak sa kamay ko.

I looked at him with a begging eyes and pouting lips, telling him to save me from this scene. Alam kong alam niya ang pangangatog, panlalamig at pawis sa mga kamay ko. Mihindi ko kayang hawakan ang kutsara't tinidor dahil sa sobrang kaba.

Kanina pa kami nakaupo dito sa mahabang mesa reserved para sa Jeon Family, kaharap ko ang ama at step mom ni Jungkook. Kahit ang sasarap tingnan ng mga pagkain ay parang hindi ko kayang lumunok. Ngayon lang ata ako nawalan ng ganang kumain ng mga masasarap.

"So you are Jungkook's fiancé?" tanong nung step-mother ni Jungkook sakin habang sinusuri ang itsura ko. Mga limang segundo lang ata ang kaya ko para titigan siya sa mga mata at yumuyuko na naman ako.

Eh? Hindi ba siya nakinig sa speech ni Jungkook kanina? Ay tanga Eunha, malamang alam niya pero yun lang ata ang paraan niya para magstart ng conversation. Grabe ang tahimik kasi namin.

Magsasalita na sana ako kasi pinisil ni Jungkook ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Binriefing niya ako na kapag pinisil niya ang kamay ko, sign yun na huwag nalang akong magsalita. He'll speak on my behalf.

"I already said it in my speech lately." emotionless na sagot ni Jungkook. Chill na chill lang siyang kumakain habang ako sobrang nerbyos na, to the point na parang tumigil sa pagfunction ang nervous system ko. Unfair.

"I'm just curious...this passed few weeks, right before we arrived from the States, lagi lang nagkukulong si Jungkook sa kwarto niya, being rude and cold as he is, he's even not attending school at that time. Pero ngayon engage na siya agad. We didn't even know that he's been dating...with such a girl like you." she vouched at me with a hint of annoyance and sarcasm.

"Why did I have to tell you that? My personal life is out of your business." sabi naman ni Jungkook.

"Yes it is in my business, because you're my son. May karapatan akong kilalanin ang mga taong pumapasok sa buhay mo kung sila ba talaga'y mapagkakatiwalaan. I can't believe you're going to marry someone without our permission."

Jungkook let go of my hand to form a fist on his, his jaw tightened as he let out a sarcastic laugh. Ako naman ang humawak ng mahigpit sa nakakuyom niyang kamay para kahit papano kumalma siya, ito lang ang magagawa ko.

"How dare you to call me your son with the fact that we didn't share even a single drop of blood." he scoffed. Ang sakit talagang magsalita ng lalaking to hays.

"Jeon Jungkook!"

Napapitlag ako ng magsalita na ang ama ni Jungkook. Ngayon lang siya nagsalita kaya nabigla ako.

"It's okay Honey.." sabi nung stepmom ni Jungkook sa ama niya na hinawakan pa ang kamay nito para huminahon.

Bumaling sakin ulit ang stepmother ni Jungkook at ngumiti pa.

"If I'm not mistaken, nagtatrabaho ka sa isang laundry shop. Ikaw yung taga-kuha at taga-hatid ng mga laundry." sabi niya. Walang akong maisagot kundi ang tumango na lamang. Di ko yun matatanggi kasi naging client na namin siya.

"Hmm...at ano namang trabaho ng mga magulang mo?" Tanong niya. Yumuko ako bago sumagot.

"Wala po akong mga magulang..." mahinang sagot ko habang pinisil pisil ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now