•JUNGKOOK
Hindi ko na napigilan ang pagbuntong-hininga ko habang kasalukuyan kaming nag-aalmusal. Napatingin naman sila Lola, Daddy at kabit niya sakin habang si Eunha ay nakatulala na para bang may sarili siyang mundo.
Naiinis na ako kasi kanina niya pa ako hindi kinikibo. Ilang kilometro na kaya ang lalim ng iniisip niya para maignore niya ako ng ganito? Nakasuot pa siya ng shades. Ano bang problema nito?
Hinawakan ko ang kamay niya saka tumayo kaya napatayo rin siya pero nakatulala parin. Hinila ko na siya paalis sa hapag, kinuha ko ang mga bag namin sa couch at lumabas na kami sa bahay. Isinakay ko siya sa kotse at nagmaneho na ako papuntang school.
Walang umiimik samin habang nasa byahe hanggang sa malapit na sana kaming makarating sa school pero bigla siyang nagsalita.
"Huwag muna tayong pumasok." Kumunot ang noo ko dahil ngayon lang siya nag-ayang umabsent. Hindi nalang ako umimik, mas binilisan ko nalang ang kotse at dumiretso na sa kung saang lugar aabot ang gas ni baby.
Nakarating kami sa isang lumang playground. Lumabas muna ako sa kotse para magpahangin, akala ko susunod siya pero nagpa-iwan siyang mag-isa sa loob, nakatulala parin. Hindi ko malaman kung gising o tulog ba siya dahil sa suot niyang shades.
Nagdesisyon akong pumasok na ulit sa kotse para pag-usapan kung ano man ang problema niya ngayon. Nakakainis. Ayokong ganito kami.
"Eunha, hoy, Eunha! Yah!"
Sumisigaw na ako pero parang hindi niya parin ako naririnig. Ano bang gagawin ko para tumingin siya sakin?
"Hey, Eunha, baby? babe? dear? sweetheart? darling? honey? mochi? sweetie?" I started calling her endearments, halos lahat na ata ay nasabi ko na pero wala parin siyang kibo.
"jagi? mine? love? mahal?" She finally landed her gaze on me the moment I called her mahal. Hindi ko alam pero kinilig ako, masarap kasing tawagin siyang mahal.
"Yiee mahal..." I teased while poking her waist, hinampas niya naman kaagad ang kamay ko.
"Mahal mo mukha mo." pagtataray niya pero ngumiti naman sa huli, kinilig si mahal.
"Ano bang problema mo. . .mahal?" Ngumisi ako nang makita ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Ang cute ni mahal.
"Huwag mo nga akong tawaging ganyan, tayo lang namang dalawa dito hindi natin kailangang magpanggap." Masungit na sabi niya, nawala naman ang ngiti ko at tumingin sa ibang direksyon. tangina masakit.
"Oo nga noh haha.. take two. Ano bang problema mo, Eunha?" Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kanyang ulo sa bintana. Mukhang mabigat talaga ang problema niya.
"Tsaka...bakit ka ba nakashades ha?" Biglaan kong kinuha ang suot niyang shades pero agad niya namang tinakpan ng kanyang mga kamay ang mukha niya. Ano bang tinatago niya, black eye?
"Yah! Bigay yan sakin ni Namjoon!" sabi niya habang tinatakpan parin ang kanyang mukha.
"Ah ganun ha." Kiniliti ko siya dahilan para mamilipit siya sa katatawa habang pinaghahampas ang mga kamay ko. Nakita ko narin sa wakas ang mga mata niya pero namamaga ito.
"What the--umiyak ka kagabi?! Bakit?! Sinong nagpaiyak sayo? Ano ba talagang problema Eunha?!"
"Alam mo ang oa mo. Umiyak lang naman ako kasi hindi mo ko tinulungang maghugas ng mga plato kagabi hmp!"
I looked at her intently. Hindi ako naniniwalang yun lang yun, alam kong may mas malalim pang dahilan.
"Huwag mo nga akong lokohin. Bakit ka nga umiyak magdamag kagabi?"
"Wala nga! It has nothing to do with you okay?"
Fine. Kung ayaw niyang pag-usapan ngayon, edi bukas na. Ilang minuto ring namayani ang katahimikan samin hanggang sa narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Napapaisip lang ako kung anong gagawin ko sa last sweldo ko." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Last sweldo?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Malapit nang matapos ang kontrata ko sayo diba? Isang linggo nalang ang natitira."
Natahimik ako, hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin. That one-month contract, nawala na yun sa isipan ko, masyado kong in-enjoy ang mga araw na kasama ko siya kaya hindi ko namamalayang malapit na palang matapos yun. Only one week left. . .and after that, mawawala na siya sakin.
Just thinking of it makes my heart wringing like hell. Hindi ko kaya! I should've made her contract into 10 years or for the rest of her life!
"Hello?earth to Jungkook? Jungkook!" Napatingin ako sa kanya and she just keep on waving her hands in my face.
"You dozed off for seconds, anong problema mo?" Tanong niya.
"About sa kontrata mo. . ." 'kalimutan mo na yun, totohanin nalang natin', gusto kong idugtong pero natorpe ako.
"Hmm?" She hummed.
"Ayaw mo bang i-renew?" I bit my lower lip as I looked down to my shoes. Taena ano ba tong pinagsasabi ko?! I heard a sniff and when I looked at her, she's crying. shit I made her cry!
"Eu-Eu-Eunha..sorry na, I mean- hindi naman kita pinipilit na magrenew eh. Naintindihan ko naman kung ayaw mo na--
She hugs me all of a sudden, I embraced her instinctively and let her cry on my chest. I'm gently patting her head to give her more comfort.
Ilang minuto ang lumipas at tumahan na siya, walang nagsasalita samin. Tahimik lang kaming magkayakap dito sa loob ng kotse.
"Eunha.." I called her softly, she just hmmed.
"Do you know why I didn't add the 'no falling inlove' on my rules?" Napaangat siya ng tingin sakin, confusion was written on her face.
"Kasi wala tayo sa isang drama?" Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya.
"Ganun kasi ang napapanood ko sa mga drama, may contract thingy din sila with rules at isa dun ang 'don't fall for me' or no love attachments churva churva tapos mahuhulog lang naman pala sila sa isa't isa. " she elaborated. Napangiti ako dahil ang cute niya nung sinabi niyang 'churva churva'
"Minsan talaga may pagkatanga ka." natatawang sabi ko sabay gulo ng buhok niya. Hinampas niya naman ang kamay ko at inilayo ang kanyang sarili sakin.
"Walanghiya toh..eh bakit nga?" I just don't want to break my own rules because I knew in the first place that I will fall for you.
"Wala, wala. Ayusin mo sarili, magde-date tayo." nakangiti kong sabi. Inirapan niya ako pero ngumiti naman siya sa huli. Gusto kong sulitin ang mga huling araw na makakasama ko siya.
•YESUNG
"Miss Kang, nakumpirma ko nang si Mr. Jeon Jungdo nga ang nagdala sa sanggol na anak ni Jung Eunwon sa isang orphanage, he named her Jung Eunbi. Siya ang fiancé ng anak niya."
"Well done, you can go out." Pinalabas ko muna ang private investigator ko bago ko tiningnan ang mga litratong nasa loob ng brown envelope.
Mga litrato ng pagtatraydor ni Jungdo sakin. hayop siya, akala niya siguro hindi ko toh malalaman. Dinispatsa ko na ang bwesit na sanggol nayun para makuha niya ang gusto niya pero binuhay niya pala at inilihim niya pa sakin sa loob ng maraming taon. What's worst is he used the real surname of that child! pinalitan niya sana kahit ang apelyido nito! Ang bobo bwesit. Ngayon ang anak niya tuloy ang magdudusa sa karma niya.
Jung Eunbi, you really are a pain in the neck. Hihintayin ko nalang ang tamang pagkakataon para madispatsa ka ulit.
*****
hi pips!
YOU ARE READING
Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ
FanfictionIt all started with that crazy deal, being Jungkook's fiancé for a month. ₩2,277,801 per week, so who wouldn't be interested? Eunha couldn't do anything but to accept the deal. She really needs money to survive in the game of life cause she's living...