•JUNGKOOK's
"Gisingin ko na po siya lola." paalam ko kay Lola ng matapos ang ginawa niyang chicken noodle soup.
Nakangiting tumango si Lola na nakafocus sa pag dressing ng soup niya. Sinarapan talaga ni Lola para sa babaeng yun.
Ang saya talaga ni Lola ng makita niya si Eunha kanina. I didn't expect Lola and Eunha met like that, plano ko pa sanang sa isang dinner date sila pagkitain pero nangyari na ang nangyari. Tanggap na tanggap naman ni Lola si Eunha.
Wala na akong aalalahanin kundi ang pagkikita nalang ng ama ko at ni Eunha. Sana nga lang matanggap niya si Eunha at pagkatiwalaan na ako.
Umakyat ako sa kwarto ko at nakita ko siyang natutulog sa ibaba ng kama. Napailing nalang ako sa posisyon niyang matulog, parang bata.
Nanlaki ang mga mata ko nang namataan ko ang photo album ni mama sa paanan niya. Damn, where did she get this?!
Nilagay ko ito sa pinakaibabaw na bahagi ng cabinet ah. Paano niya to naabot?! May hidden height ba siya?
"Tss...pakialamera." I murmured myself and I hide the photo album under my wardrobe. Hindi na niya siguro to mahahanap at maski si lola kasi ang kalat ng wardrobe ko, nagcamouflage yung cover ng photo album.
Napailing nalang ako. Nakita na niya ang mga litrato ko nung bata pa ako pati ang litrato ng mama ko.
Ayaw na ayaw ko talagang pinapakialaman ang mga gamit ko. Pasalama't ang babaeng to goodmood ako ngayon kasi napaniwala niya si Lola kundi tsk tsk tsk. First offense niya ngayon.
"Hoy babae, gumising ka na!" pukaw ko sa kanya pero hindi siya natinag. Yumukod ako paharap sa kanya para kapag hindi parin siya magising ay sasampalin ko na.
Syempre biro lang yun, hindi ako nananampal ng mga babae.
"Eunha! Bangon na."
Tss ang hirap palang gisingin ng babae to.
"EUNHA LUTO NA YUNG CHICKEN NOODLE SOUP NI LOLA!" I yelled.
Para siyang binuhusan ng tubig pagmulat niya. Tss sabi na eh, pagkain lang ang magpapagising sa kanya.
"Aish.." she hissed at me as she rubs her palm on her chest, na para siyang inatake sa puso. Ganun ba kaganda ang boses ko para atakihin siya sa puso?
"Tumayo ka na diyan, lalamig na yung niluto ni lola." utos ko sa kanya at nauna ng tumayo at lumabas sa kwarto.
"Ungentleman tsk!" hirit pa niya nang makalabas ako. Tss may paa naman siya para tumayo at may kamay siya para buksan ang pinto.
Nagmamadaling bumaba ako dahil excited na ako sa niluto ni Lola. No one asked but, my Lola's foods are oishi.
Pero baka magtaka si Lola kung bakit mas excited pa akong kumain kaysa sa fiancé kong kakalabas lang sa hospital kaya hinintay ko munang makababa si Eunha.
I lead her to the kitchen, nakita kong naghahain pa ni lola. Well, it's time to act. Hinila ko si Eunha palapit sakin at inalalayan siya kunwari sa paglalakad patungo sa mesa.
Siniko niya naman ako sa beywang dahil sa bigla kong ikinilos pero hinigpitan ko lang ang pag-alalay sa balikat niya at binigyan siya ng pahiwatig na ngiti.
Kinilig si Lola nang makita niya kami at ipinaghila pa ng upuan si Eunha. Ang gaan ng buhay ng babaeng to, siya pa ang sweldado, siya pa ang pinagsilbihan.
"How are you feeling iha?" Tanong ni Lola at nilagay ang palad sa airport--este noo ni Eunha, checking her temperature.
"A... ayos na po ako L... lola." she stammered. Hindi pa siya sanay sa pagtawag ng Lola kay Lola.
YOU ARE READING
Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ
FanfictionIt all started with that crazy deal, being Jungkook's fiancé for a month. ₩2,277,801 per week, so who wouldn't be interested? Eunha couldn't do anything but to accept the deal. She really needs money to survive in the game of life cause she's living...