30- Shopping

360 31 9
                                    

•EUNHA's

Tumunog na ang last bell, uwian na. Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay hinawakan ni Jungkook ang wrist ko pero nagpumiglas ako.

"Ano? Itatakbo mo na naman ako katulad kahapon?!"

Napakamot siya ng ulo. So I'm right. Porket long-legged, confident ng tumakbo na parang kasali sa Track and Field ang mokong tas isasama pa ako. Pwede namang tumakbo siyang mag-isa.

"Bakit ka ba nagmamadali tuwing uwian ha?"

"Eh kasi. . .para hindi nila tayo maabutan." The same excuse again.

"Sinong nila?! Sino bang humahabol sayo?"

"Ang mga kaibigan natin kaya tara na, huwag ng maraming tanong." Ha?! Bakit naman kami hahabulin ng mga yun? Akmang hihilahin na niya ako nang nagpumiglas ulit ako.

"Teka lang, bakit naman ayaw mong maabutan nila tayo?"

"Ang kulit mo naman eh, basta sumunod ka nalang sakin okay?" iritadong sabi niya. Hinila na niya ako palabas sa room ngunit may humarang samin sa pinto.

"Opss...bawal lumabas dito." Taehyung.

"Hi Eunha!" Jimin.

"Huli kayo! Hahaha! " Jhope.

Silang tatlo ang humarang samin sa pinto. Bigla naman ako hinila ni Jungkook papunta sa kabilang pinto ngunit hinarangan din kami nila Sinb, Yerin at Umji.

"Itatakas mo na naman si Eunha?" Sinb.

"Ang damot ng lalaking toh, minsan nga lang naming makabonding si Eunha eh." Yerin.

"Eunha-eonnie sama samin?" Umji.

Eh? Kaya ba ayaw ni Jungkook na maabutan nila kami? Jungkook sighed in defeat and pulled me behind him.

"Uuwi na kami guys, please get out of our way."

"No way, sasama samin si Eunha." Lumapit sila samin at bigla akong hinila ni Sinb. Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanila, hindi ko sila magets. Saan ba nila ako dadalhin?

I saw Jungkook rolled his eyes when Jimin and Taehyung hung their arms on his shoulders.

"Tara Jungkook, may lakad din tayo." Jhope.

"At saan naman kayo pupunta?" Yerin na nakapameywang pa.

"May gala rin kami noh, akala niyo kayo lang?" sagot ni Jimin.

"No, sasama kayo samin." Bumagsak ang mga balikat ng mga boys sa sinabi ni Yerin.

"Ayoko nga, gagawin niyo lang kaming mga taga-bitbit eh. No way, high way. " tanggi ni Taehyung.

"Bahala kayo, kapag kami mapahamak, kayo ang sisisihin. "

"Sasama ako sa kanila hyung." sabi ni Jungkook sa tatlo. Nakita kong naghigh five sila Yerin at Sinb. Pinilit pa ng tatlo na huwag sumama si Jungkook kaso hindi nila ito nakumbinsi kaya wala silang nagawa kundi ang sumama samin. I'm totally clueless on what's on their mind.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila nang makasakay na kaming lahat sa kotse ni Yerin. Nasa middle row kami ni Sinb at Umji habang nasa likuran namin sila Taehyung, Jimin at Jungkook, nasa front seat naman si Yerin at si Jhope ang nagdadrive.

"Shopping!" tili ng mga babae, while the boys just tsked. Ah shopping. . . SHOPPING?! h-hindi ako marunong magshopping. Infact, first time kong magshopping ngayon. poorkid ako amp.

•JUNGKOOK's

Pinagmamasdan ko lang si Eunha na nalilito kung saan titingin. Pano ba naman kase, ang hype ng mga babaeng kasama niya. Ang dami nilang pinipili at ipinapasuot na damit kay Eunha. Knowing Eunha, wala siyang shopping sense. Gusto niya simple lang, panigurado nag-aalala siya sa mga price tag ng mga damit na pinili nila Yerin.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now