11- Struggle is real

564 35 13
                                    


•JUNGKOOK's

"And this is the pool area Lola."

Tinour ko si Lola sa buong bahay ko. Damn, ito pala ang surprise na sinasabi ni Lola. Sa kanya pala yung mga bagahe at hindi pala lalayas ang papa ko at ang kabit niya.

Damn.

Hindi naman sa ayaw kong nandito na si Lola. Pero ang saya ko na sana kasi sa pag-aakalang lalayas na ang dalawang badtrip sa buhay ko, masakit pala ang maling akala.

Nilibang-libang ko muna si Lola bago pa siya magtanong tungkol sa status ng buhay ko.

"Apo, where's your fiancé? I want to meet her today."

I'm doomed.

Putangina anong isasagot ko?!

"Uhm...Lola, she's...she's sick lola that's why you can't meet her today."  tomorrow and forever kasi wala naman talaga akong fiancé. Kung hindi lang sana pakipot ang Eunha na yun.

"So sad...is she okay?" Bakas sa mukha ni Lola ang lungkot.

I looked down and started sniffing, wiping some fake tears. Bahala na si carrot man basta malusutan ko lang to.

"She's...*sniff... she's in..*sniff.. she's in critical condition...*sniff..Lola, I can't lose her.." I sobbed and started wailing. Fuck, how I hate dramas but ito lang ang naisipan kong gawin ngayon.

"Shh apo its okay...everythings gonna be alright...tahan na..she's going to be okay.." Lola comforted me as she's caressing my back.

"Yes Lola she's going to be alright." sabi ko na parang hindi galing sa pag-iyak. Well, hindi naman talaga ako umiyak.

"On what hospital she's admitted apo? I want to visit her."

Damn.

"She's in...*sniff...she's in...huhuhuhuhu!" Humagulgol na ako at lumuhod pa, yung parang namatayan.

Putangina, I can't believe I'm doing this.

" Sshh apo, tahan na...calm down...I will not ask about her for today..tahan na, everythings gonna be fine. Wait, I'll get you some water."

Iniwan ako ni Lola para kumuha ng tubig sa kusina. Tangina, I wanted to laugh at myself kaso baka marinig ni Lola.

I'm chuckling as I wiped my fake tears and stood up. Pwede na akong maging Best Actor.

•EUNHA's

"Ms. Jung, ilang next week mo na to pero wala parin. The exam is on friday na, sorry pero kung hindi ka talaga makapasa ng project within tomorrow, I'm going to fail you."

Anak ng hamster, parang gusto kong umiyak at lumuhod ngayon sa harap ni Maam.

"Pero maam, konting panahon lang po please...papasa naman po talaga ako eh, diba maam better late than never? Maam pakiusap po.."

"Maraming panahon na ang ibinigay ko sayo Ms. Jung, at nakakapagod maghintay. I'm sorry." Maam remarked and left me hanging.

" Anak ng hamster naman oh..." Nanunubig ang mga matang napaupo ako sa gitna ng hallway, kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi mapahikbi.

Ang hirap mag-aral kapag walang pera.

Pero wala akong magagawa kung iiyak lang ako dito, kailangan kong humanap ng pera now na. Nasan ba kasi si starla?! hays

Tumayo ako at pinahid ang mga luha ko. Kailangan kong humanap ng pera, minsan naiisip ko nang magnakaw ngunit hanggang isip lang yun at hindi ko ginagawa. Kasi kung magnanakaw ako para sa project, mas mabuti pang huwag nalang mag-aral.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now