26- ASMR

359 37 4
                                    

•EUNHA's

Tahimik lang kaming dalawa ni Jungkook pagdating namin sa bahay. Well, mabuti nang walang imik kasi baka magkasagutan na naman kami.

Dumiretso siya sa kwarto niya habang ako ay naiwan dito sa living room, ang laki ng bahay pero ang tahimik. Ganito ba lagi ang buhay ni Jungkook?  So sad.

Sa pagkakaalam ko, nasa isang business trip ang daddy at step-mom niya tapos si Lola Sungha naman ay nakacheck-in sa isang five-star hotel. Hindi siya dumalaw dito ngayon.

Sanay akong mag-isa dahil maliit naman apartment na nirerentahan ko dati. Pero si Jungkook, mag-isa lang siya dito sa napakalaking bahay, sobrang lungkot siguro.

Mi-wala man lang siyang mga maids. Napaka-all by myself ng mokong. Nakapaghire siya ng fake fiancé pero hindi naghire ng mga maids.

I sighed. What a day. Nilagay ko muna ang bag ko sa couch at nagtungo sa kusina upang magluto ng hapunan.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at kumatok sa pinto ng kwarto ni Jungkook. His room was just across mine.

"Ju-Jungkook, kakain na."

Ang lungkot kayang kumain mag-isa tsaka medyo marami yung niluto ko kasi baka dumating si Lola, baka lang.

Minutes passed but I didn't receive any response. Tulog na kaya siya? Kumatok ako ulit ngunit wala parin. Pasukin ko na kaya? Just as I was about to twist the doorknob, the door already opened, revealing Jungkook with his wet look. Oh sht.

I would be lying if I say he's not so freaking hot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Hindi ko alam kung anong irereact ko, kung required nga magreact. 

Napailing nalang ako, anak ng. . .kung ano-ano nalang ang naiisip ko. Medyo naiintindihan ko na kung maraming nagkakandarapa sa kanya at ayaw siyang tigilan ni Sewon.

Saglit niya lang akong tiningnan bago niya ako tinalikuran at nauna nang bumaba habang ako ay napako sa kinatatayuan. Shet nakakahiya.  Ngayon ko lang narealized na nakatulala lang ako sa kanya kanina.

Shet. Feelingero pa naman toh, baka isipin pa niya I'm drooling over him. Duh, hindi nga ba Eunha?

Napansin niya kaya ang pamumula ng mga pisngi ko? hindi naman siguro,  saglit niya lang naman ako binalingan ng tingin eh.

Bumaba narin ako at nadatnan ko siyang hindi pa kumakain at tinitingnan lang yung mga niluto ko. Ayaw niya? Hindi niya ba nagustuhan? Napatingin ako sa plato niya at wala pa namang laman yun. Baka hinihintay niya ako?

Pagka-upo ko sa harap niya ay kumilos na siya, nilagayan na niya ng pagkain ang plato niya at nagsimulang kumain. So he was really waiting for me.

I smiled like an idiot on that thought. Mukha namang nagustuhan niya ang mga niluto ko. I'm glad. Kumain narin ako. Tahimik lang kaming kumakain, ang awkward, tanging ang mga kubyertos at panguya namin ang naririnig ko. Is this ASMR?

Naubos namin ang mga niluto ko. Hindi naman dumating si Lola, sayang naman pag may tira. Pagkatapos niyang kumain ay umakyat na ulit siya sa kwarto niya.

I sighed as I'm washing our dishes. Galit parin ba siya dahil sa pakikipag-usap ko kay Eunwoo? Hindi ko talaga magets ang mokong na yun, anong nakagagalit dun? Ayaw niya bang magkaroon ako ng bagong kaibigan?

Pagkatapos kong maghugas ay chineck ko muna kung nakalock na lahat ng pinto sa bahay. Delikado, baka manakawan tas ako ang mapagbintangan.

Umakyat na ako sa kwarto ko pero tumigil ako saglit sa harap ng kwarto ni Jungkook. Pano ba ako makikipagbati sa lalaking yun? Payday pa naman bukas. Baka di niya ako swelduhan dahil sa nangyari. Its been a week since we started pretending.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now