13- Rules

452 33 4
                                    

•EUNHA's


Inis na pumasok at isinara ko ang pinto ng kotse ni Jeon Jungkook. Bakit ako naiinis? Eh kasi ang aga pa, mas maaga pa sa alarm clock ko ay nandito na siya sa labas ng apartment ko, pinaglalaruan ang doorbell.

Ang aga niyang manira ng araw. Hindi ko naman siya sinabihang sunduin niya ako eh, kaya kong maglakad.

Hindi naman siya nagsalita pagpasok ko at tahimik lang na nagdrive.

"Oh."

Inabot ni Jungkook sakin ang isang maliit na kulay pulang envelope na hindi man lang ako tinapunan ng tingin, kumunot ang noo ko.

"Ano to?!" inis na tanong ko.

"Envelope." Anak ng smurf, pilosopo! Tiningnan ko siya ng masama.

"Just open it already!" atat na sabi niya. Aish....

Binuksan ko ang envelope at nagningning ang mga mata ko sa laman nito.

"Ho.. hoy! sure talaga to? hindi ba to nakaw?"

Kumikinang na pera cyst! Akala ko hindi niya tutuparin yung kagabi. Waaahh project here I come!

"I sleep on the bed of money, why bother to steal?" Edi wow, siya na ang mayaman.

" Well....thanks. Ibabalik ko nalang pag magkapera na ko." nakangiting sabi ko habang binibilang ang pera. Pero laking pagtataka ko ng may kasamang isang papel sa envelope.

"We both agreed to a deal, you'll be my fake fiancé for a month in exchange of 2,278,000 won per week. Don't you dare to work and return the money,  just focus on being my fiancé Jeon Jung Eunha." may tigas bawat salitang sabi niya at ibinaling pa niya ang tingin sakin nung sinabi niya ang katagang Jeon jung eunha tas bumalik ulit ang tingin niya sa daan.

Jeon Jung Eunha?! ewwness

" Okay....bat ka galet?..."

Ang aga- aga highblood tsk.

"Ang dami mo pa kasing salita, just sign the contract."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Anong kontrata?! " gulat na tanong ko. Wala naman kaming napag-usapang kontrata kagabi.

"Contract is a written or spoken agreement, especially one concerning employment, sales, or tenancy, that is intended to be enforceable by law."

Pilosopo!

"Yeah I know what is contract but what I mean is for what?"

"Para hindi masayang ang pera ko. That's my freaking allowance and I'm going to sue you if you didn't keep our deal."

I just rolled my eyes on him.

" Tss marunong akong tumupad sa usapan no, nasan ang kontrata?"

"The paper inside the envelope."

Kinuha at tiningnan ko naman ang papel. Ah, kontrata pala to akala ko cheque hihi


Pero anak ng hamster, kontrata ba to?! Ang liit tas tinupi pa. Kinapos ba sa bondpaper si Jungkook?

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now