27- Plus Two

439 40 8
                                    

•JUNGKOOK's

That fucking class has finally ended.

I crossed my arms and leaned against the doorframe while waiting for Eunha. Ang mga classmates namin ay sa kabilang pinto lumalabas, takot sakin.

"Tara na!" she cheerfully said. I rolled my eyes, nauna pa kasi siyang lumabas at naglakad. Hinawakan ko ang kwelyo ng uniporme niya at hinila siya palapit sakin dahilan para mabangga ang likod niya sa dibdib ko.

Tumingala siya sakin na may pagkagulat at pagtataka sa kanyang mukha. I wrapped my arm on her shoulders, mas nagulat siya sa ginawa ko.  Aish. . .ganito naman talaga ang ginagawa ng magfiancé diba?

Naglalakad kami sa hallway at nakatingin samin ang mga studyanteng nadadaanan namin at nagbubulungan kaya mukhang naiilang na naman si Eunha. Damn this people, they're making her uncomfortable beside me.

"HEY JUNGKOOK! EUNHA!" Three voices shouted from the other end of the hallway. I know those voices very well. Paglingon namin ay nakita namin ang mga siraulo kong mga kaibigan na tumatakbo papunta samin habang nahuling naglalakad sa likuran nila si Sinb.

"Hi!" bati ni Eunha sa kanilang tatlo, ngumiti lang siya kay Sinb. Hindi pa nga pala sila close, well I hope they can get along.

"Hello! I haven't introduce myself properly, have I? I'm Hwang Eunbi but call me Sinb, Taehyung's cousin. Galing ako sa isang all-girls school sa Jeju City. Mahilig akong sumayaw, kumanta at manapak, don't worry mga lalaki lang naman ang sinasapak ko. From now on, bestfriend na kita ah, sabihin mo lang sakin kung sinasaktan ka nitong si Jungkook, igaganti kita." litanya ni Sinb na napakafeeling close, yakap-yakap na niya si Eunha.

Napailing nalang ako nang biglang may humampas sa balikat ko. Sinamaan ko ng tingin ang tatlo na nasa likuran ko na pala.

"Bakit ka pumasok? Hindi pa naman exams ah." Jimin.

"Today is a miracle!" Jhope.

"Walang himala! Ang himala ay nasa ilong ni Jungkook!" Taehyung.

I just rolled my eyes at them.

"I have no choice. Mga pabaya kasi kayo, hindi niyo binabantayan ng mabuti si Eunha, nakalapit tuloy ang Eunwoo nayun." mahinang sabi ko, hininaan ko lang kasi baka marinig ni Eunha. Speaking of, nakangiti na siya habang nakikipag-usap kay Sinb.

"Selos lang pala ang makakapagpapasok sayo ah yieee." Taehyung teased while poking his fingertip on my side.

"Shut up."

Tumawa lang silang tatlo, patuloy lang sila sa pang-aasar sakin hanggang sa nakarating na kami sa caféteria.

Great. Balak ko pa naman sanang masolo ko si Eunha sa isang table pero mukhang hanggang balak nalang yun dahil kasama namin ang barkada.

•EUNHA's

"Pili ka ng kahit ano, libre ko." nakangiting sabi sakin ni Sinb. Nasa counter kami at pinapapili niya ako ng pagkain.

"Hindi, may pera naman ako Sinb." tanggi ko. Kahit wala talaga. Nakakahiya kaya, kakakilala lang namin tapos magpapalibre agad ako.

"Dali na, I insist naman eh."

Pumili na siya ng order niya habang ako ay hindi parin, napalingon ako sa likuran ko at ang haba na pala ng pila. Si Sinb nalang ang nag-order ng sakin para makaalis na kami sa counter.

Jeez, ang mamahal ng mga inorder niya. Ngumiti naman siya sakin na parang ipinapahiwatig na ayos lang. She's so kind and funny. Ang dami niyang kinwento sakin kanina habang papunta palang kami dito sa caféteria. Akala ko mataray siya, hindi naman pala. She even offered herself to be my bestfriend. Masaya siya nang malaman niyang pareho kami ng name.

Masaya ako kasi may dalawa na akong bestfriend ngayon, medyo nahinto nga lang ang communication ko sa una kong bestfriend pero bestfriend ko parin yun, hindi ko pa siya nalilimutan.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala kami sa table na malapit lang din sa table nila Jungkook. Speaking of, nakatingin lang siya sakin na para bang nagmamakaawa na palipatin ko siya dito sa table namin. Mukhang inaasar kasi siya ng tatlo sa table nila.

"Akala ko. . ." hindi ko nalang tinuloy pa ang sasabihin ko.

"Hayaan mo na sila, they're having their boy's thing and we have our girl's thing." sabi ni Sinb na kumakain na pala. Napatango nalang ako, akala ko kasi iisang table lang kaming anim.

Pagkatapos naming kumain ni Sinb ay nagpaalam muna ako na pupunta sa cr. Nabaling sakin ang atensyon ng dalawang babaeng nagreretouch sa vanity pagpasok ko, ngayon ko lang nakita ang mga mukha nila. Transferees ata, they're not wearing the school's uniform.

Anyway, pumasok na ako sa isang cubicle dahil sa call of nature. After that, naghugas ako ng kamay sa sink ng vanity. Actually, naiilang ako ngayon. Grabe kasi makatingin ang dalawang babae sakin, para bang nakakita sila ng isang multo.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na palipat lipat ang tingin nung isang babae sakin at sa screen ng phone niya at may binulong siya sa kasama niya. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

Naiilang na ningitian ko lang sila bago lumabas sa cr. Ngunit bago ako makalabas ay pinigilan nila ako. Luh. . .

"Hi! Are you Eunha?" The one with bangs asked. Wow pano nila nalaman ang pangalan ko?

"Y-yes, how can I help you?" I politely asked.

"Waahh you're so cute in person!"

Eh?

"No wonder. . ." sabi naman nung isa na mukhang mas bata sakin. No wonder what?

"I'm Jung Yerin and this one is Kim Yewon." The one with bangs introduced.

"Call me Umji." sabi nung isa.

"Nice meeting you...hihi." tanging nasabi ko.  Mukhang mababait naman sila, at ang gaganda pa. I wonder kung bakit sila nakikipag-usap sa isang tulad ko.

"Ang cute mo talaga!" Yerin complimented. Eh? haha, first time kong makatanggap ng compliment galing sa isang babaeng ubod ng ganda. Kasi naman, mas sanay akong nilalait.

"Paano niyo pala ako nakilala?" tanong ko.

"Pinsan ko si Jungkook oppa." Umji. Ha?

"My brother told me." Yerin

Teka, nakakabigla naman toh. Hindi ko alam na may pinsan pala si Jungkook at hindi ko rin alam kung sino ang kuya ni Yerin. Hindi kaya si. . .

"Si Jhope ba ang kuya mo?"

"Yes!" Yerin. Ahh. Tae, wala akong kaalam-alam.

"Tara samahan ko kayo sa kanila." aya ko sa kanila. Nagkatinginan sila at mukhang takot.

"Baka pagalitan ako ni Kuya eh, hindi niya alam na nakauwi na ako." Yerin.

"Isusumbong din ako ni Jungkook oppa sa mga kuya ko." Umji.

Eh? So anong pinunta nila dito?

"Hindi yan, tara, kasama naman nila si Sinb."  Siguro naman kilala at kaibigan nila yung si Sinb, kilala nga nila ako na hindi nila kaibigan eh.

Tama ako kasi nagliwanag ang mga mukha nila at hinila na ako palabas sa cr. Mukhang excited silang makita si Sinb. Pagdating namin sa caféteria ay hinanap ko ang table nila, naroon parin sila at mukhang nagkakatuwaang asarin si Jungkook.


"There they are!" 

Ako naman ang humila sa kanila patungo sa table ng apat. Nagulat naman silang apat lalo na si Jhope at Jungkook nang makita kami. Si Sinb ay agad na napatayo at niyakap sila Yerin at Umji. They really missed each other.

"Hoy Jung Yerin! Bakit ka nandito? Kailan ka pa nakauwi?" seryosong tanong ni Jhope.

"Umji, alam ba to ni Namjoon at Jin hyung?" Jungkook.

Ayan, kaya naman pala takot silang makita ang dalawa. Anyway, masaya ako na unti-unti kong nakikilala ang mga kaibigan ni Jungkook.

*****

hi pips!

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now