Found In The Wild Waves

83 2 0
                                        

Dylan Lopez...

At the moment that our eyes met, i already knew that i am captivated by her.

She's strange. When i sit-in in her class, there's this weird air in her that screams loneliness. It's as if she's screaming for help. Wanting for someone to come and get her, but when you look at her face, she has a stoic expression. As if she doesn't really care about anything at all. With that blank emotion in her eyes, you can conclude that it's not easy to get near to her and yet, she really looks sad.

That Angel Mendoza is a really weird girl. She's a tranferee kaya hindi malabong nakuha niya kaagad ang atensyon ko. I'm friends with almost everyone here kaya naman siya lang ang hindi ko kilala.

At the first day of classes, napansin ko na kaagad ang tingin niya sa'kin. I bet she wants to be friends with me lalo na't mukhang malungkot nga siya pero mukhang nayabangan lang sa'kin. Masiyadong sensitive at parang hindi mabiro.

But eventually, we became friends dahil na rin sa classmate niya si Klare na isa talaga sa mga close friends ko. And because of that, mas lalo akong napalapit sa kaniya. Mas lalo ko siyang nakilala at mas lalo ko lang nararamdaman na para bang humihingi talaga siya ng tulong.

I already knew from the start that being near her would just mean trouble for me. That i should just stay away from her so i can save myself from that trouble, but it's funny how are paths are always crossing.

Minsan ay hindi ko talaga magawang iwanan na lang siya mag-isa lalo na kapag nakikita ko siya. I can't ignore those longing eyes. I can't abandon her. Pero madalas din talaga ay aksidente na lang kaming nagkikita. Para bang gusto talaga kaming pag tagpuin na dalawa. Para bang nakatadhana talaga na magkita kami.

Nang madalas ko na talaga siyang makausap ay doon ko siya unti-unting naintindihan. Hindi nga ako nagkamali sa pag-aakalang malungkot nga siya. She have suffered almost all her life. She felt pain almost every day. She almost despised the life that she has.

And so i decided that i want to be there beside her. I want her to cry in front of me. I want her to share her weakness to me. I want her to open up to me. I want to be strong for her. I want to protect her. I want to stop her sufferings. I want her to not feel the pain anymore. I just want her to live a worthy life.

Right there and then, when i saw her genuine smile for the first time, i already knew that i am in love her. That i can't do anything about it anymore aside from loving her in any ways that i can. There's no way that i can stop myself from loving that woman.

Sa bawat araw na dumadaan na nakakasama ko siya, nakikita ko ang iba't ibang sides niya. Minsan ay mapang-asar at pikon. Minsan ay madaldal at tahimik. Minsan ay seryoso naman at madalas na tulog. Mahirap talaga siyang intindihin dahil hindi ko alam kung sino ba talaga siya sa mga 'yon. Hindi ko alam kung alin sa mga ipinapakita niyang ugali ang totoong siya pero kahit na ganoon ang sitwasyon ay alam kong mahal ko pa rin siya. Sa kahit na anong ugali ay minamahal ko siya nang higit pa sa inaasahan ko.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng selos. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Gusto ko na ngang itapon sa malayo ang Ryle na 'yon dahil ayaw kong masiyado siyang malapit kay Angel, pero naiintindihan ko kung gaano siya kahalaga kay Angel. Iba ang samahan na mayroon sila. Ang sabi ni Angel ay pamilya na para sa kaniya si Ryle pero alam kong may gusto si Ryle sa kaniya pero hinayaan ko lang dahil ang nasa isip ko lang ay ang nararamdaman ni Angel. Kaya ko namang tiisin ang selos dahil wala ito kumpara sa hirap na pinagdaanan ni Angel para lang maramdaman na may pamilya siya.

Nalaman kong ilang beses na niyang sinaktan ang sarili niya. Sinubukang tapusin ang buhay niya kaya naman nagalit at natakot ako. Alam kong nasasaktan siya pero hindi ko inakalang ganito na ang kaya niyang gawin sa sarili niya. Ni hindi ko pa nga naipaparamdam sa kaniya na mahal ko siya.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon