Chapter 23

15 3 0
                                    

Serenade...

It's been a week since Dylan confessed his feelings to me and until now, hindi ko pa rin alam kung bakit hindi ko malaman kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman sa kaniya. Isang linggo na din simula noong iannounce niya sa lahat na nanliligaw siya sa'kin and hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Simula noon, kapag nasa malapit siya ay iritadong iritado ako sa presensiya niya dahil lagi siyang nakadikit sa'kin pero kapag wala naman siya ay hinahanap hanap ko siya.

I just really don't get myself.

One week na rin akong hindi nakakatulog nang ayos dahil nahihirapan ba naman ako. I feel like i'm a walking dead. My brain is not functionaning well. Tuwing kasama ko sila ay ramdam ko naman na masaya ako pero hindi 'yon nagtatagal. Napakarami nila sa paligid ko pero pakiramdam ko ay mag-isa lang ako.

Tuwing mag-isa na lang ako sa bahay ay nagsisimula na naman akong mag-overthink. Walang araw na hindi ako umiyak at lumala pa dahil sa kalagitnaan ng tulog ko ay nagigising ako at narerealize na humahagulgol na kakaiyak habang natutulog.

I wonder what's the worst thing that could happen to me at this rate.

It's Satuday today and i don't feel like moving. Nag yaya sila Rhyss na pumunta ngayon sa bahay nila Dylan pero wala akong gana. Gusto ko lang mapag-isa sa araw na 'to.

Tinignan ko ang phone ko at wala pa ring tawag maski text galing kay Ryle pero naiintindihan ko siya. Mabuti na rin to pero nag-aalala lang ako aa kaniya dahil wala siyang kasama pero di na ako nag-abala pang tawagan siya.

Siguro ay kailangan niya pa talaga ng oras. Kahit ako man din, kahit pa gusto ko siyang kumustahin, hindi ko rin malaman kung ano ba ang dapat na sasabihin. I'll just give him some more time.

Tumitig na lang ako sa kawalan habang pinapakiramdaman ang sarili ko. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko na naman alam kung bakit. I feel really sad and lonely. I feel like i want someone whom i can talk to, but i also feel like i don't want anyone to be beside me right now.

Gusto kong umiyak pero mukhang sumuko na rin ang mga mata ko dahil ayaw na niya. Kahit anong pilit kong umiyak, wala na talaga akong mailuha.

"My eyes are dry but my heart is crying so bad..." i whispered to myself.

Ilang minuto pa akong natulala bago makarinig ng ilang katok mula sa pintuan. Hindi ko pinansin 'yon dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw at wala akong pakialam kung sino ang nasa labas. But my phone suddenly rang kaya naman walang gana ko 'yong sinagot.

"Hello?"

"Open the door."

Mariin akong napapikit nang marinig kaagad ang boses niya.

"Sino ka para utusan ako?"

"Si Dylan, ang future mo."

Mas lalong umakyat ang inis sa ulo ko. Sa hula ko ay malaki na naman ang pagkakangisi ng labi niya. Ang laki rin talaga ng bilib niya sa sarili niya.

"I have no future ahead of me." walang interes kong sabi.

"You have because you have me, so buksan mo na 'to dahil sisirain ko ulit 'tong pinto mo."

But i still wonder. Kahit anong inis ko kay Dylan, i can't find myself to hate him. But it's not like he's doing something for me to actually hate him. I just really don't get myself specially to him.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay malaki na ang ngiti niya. "I miss you."

Napaismid ako nang 'yun kaagad ang sabihin niya. We just saw each other yesterday!

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon