Chapter 38

20 2 0
                                    

Defeat...

After our trip, Dylan have been busy again. Palagi naman niya akong tinatawagan bago siya matulog, but we rarely see each other anymore and that's completely fine with me naman. Parehas naman kaming aware kung ano ang priority naming dalawa for now at hindi naman ibig sabihin na hindi na kami nagkikita ay kabawasan na 'yon sa relasyon namin.

Si Lance naman din ay palagi akong kinukumusta. I'm thankful that he didn't told anyone about me and because he always checks on me if i am doing okay, but it's also annoying sometimes. Pakiramdam ko ay nagkaro'n ng second version ni Ryle, but he have always been like this to each and every one of us. Kahit pilyo ay siya rin ang parang tumatayong kuya sa'ming lahat.

Si Jace at Klare ay maganda rin ang relasyon. Of course, there are fights pero nababalitaan ko na lang lahat ng 'yon kay Rhyss. But i am glad to hear that their relationship is really going well. Rhyss also has a lot of good things that's happening around her. It's obvious na may gusto na talaga siya kay Tyler, but i am not sure if it's that kind of feeling dahil she mostly jokes about it.

Ryle and i are okay. I mean, i want to make it look like that for him even though i'm still hurting. Wala naman ng rason para ipangalandakan ko pa sa kaniya na nasasaktan pa rin ako dahil nangyari na ang nangyari. Alam ko rin namang hindi niya ginustong masaktan ako kaya ayaw ko ng sisihin niya pa ang sarili niya sa nangyari.

Ryle already did a lot of things for me. To pretend that i am totally fine just so he can free himself from the guilt is the least that i can do for him.

Si Denise naman at ako ay casual lang sa isa't isa. I can't say that we're actually friends now, pero mukhang 'yun na ang tingin ng ibang tao sa'min. After all, kami rin naman palagi ang magkatabi sa loob ng room so what choice do we have?

"Ano na namang mukha 'yan?"

And here goes her rants about me. Ayan na naman siya sa pagmamaldita niya.

"Hindi ko pinapakialaman ang mukha mo, Denise, so please 'wag mo na lang pakialaman ang mukha ko."

"Attitude ka? Boyfriend mo nasa labas!"

Tinignan ko ang labas ng classroom namin at nandoon nga si Dylan na nakatingin na sa pwesto ko. Agad naman akong tumayo at nilapitan siya.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"'Di ka pa nakain?"

Umiling ako kaya naman binatukan niya ako.

"'Di ba sabi ko kumain ka dapat lagi?" Inis na sabi niya.

I rolled my eyes at him. Alam ko namang nag-aalala lang siya pero alam niya ba kung gaanong nakakapagod ang umakya't baba sa hagdan?

"Let's go to the cafeteria."

Hindi pa nga ako pumapayag sa gusto niya ay hinila na niya ako kaagad papunta sa cafeteria. Siya na ang umorder ng kakainin naming dalawa kaya naman wala na akong ibang choice maliban sa kumain kasama siya. Mabuti na lang din dahil namiss ko rin naman siya. Last week pa nga yata simula nang huli ko siyang makita nang ganito kalapit.

"Anong oras ang susunod na class mo?" Tanong ko sa kaniya pagbalik niya.

"I have an hour break kaya naman sinabayan na kitang mag lunch."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya saka siya sinabayang kumain. He have a lot of stories again and i am more than willing to listen to him. Nag-aasaran kami pero madalas ay nakikinig lang ako sa mga kwento niya. Hindi dahil tinatamad akong mag salita pero dahil gusto kong pakinggan siya palagi. Masaya akong makita ang magandang ngiti niya sa tuwing ikunukwento niya sa'kin ang mga nangyayari sa kaniya. Like what i said before, it's not just about me. I also want this to be about him.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon