Chapter 9

43 2 0
                                        

Exam Week...

Parang lantang gulay akong naglalakad ngayon papasok ng school. Now, i really am lazy to go to school. I just want to sleep but i am left with no choice.

"Hey, Angel!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Nagulat ako nang maramdaman ang isang kamay na umakbay sa'kin at sinabayan akong maglakad. Nang makita ko kung sino ang kasama ay ngumiti ako.

"Oh? Ang aga naman yata ng practice niyo ngayon?" Takang tanong ko.

I am not expecting to see him or any of them this early. Kakagat na sana ako sa hawak kong cupcake nang bigla na lang siyang lumapit at kinagatan 'yon ng malaki.

"Ano ba? Akin 'yan, e!" Reklamo ko saka siya sinamaan ng tingin.

Pero talagang malakas mang-asar ng lalaking 'to sa umaga. He even laughed at me!

"Gutom na kasi ako, Angel, saka next week na kasi 'yung sports fest kaya mas todo na 'yung practice. Mas nakakapagod!" Pagpapaawa niya pa.

"'Di lang naman ikaw 'yung gutom, 'no!" Inis na sabi ko.

Talagang nanlulumo ako. Hindi pa ako nakain simula kagabi at 'yun pa lang sana ang kakainin ko pero inagaw naman niya. Gutom na kaya ako!

"Sorry na. I'll just treat you breakfast!"

Tinignan ko soya nang diretso sa mata at mukhang hindi naman siya magbibiro kaya nginitan ko siya.

"Okay!" Pagpayag ko.

Nanguna na ako sa paglalakad para hindi na kami magsabay. Mabuti na rin pala at nagkasalubong kami dito.

"Wait for me!" Rinig kong sigaw niya pa.

Umiling ako at hindi na lumingon pa pabalik. Mahahabol rin naman niya ako kaya masaya na lang akong dumiretso sa cafe ng school para doon bumili ng breakfast.

Nang makapasok ay natuwa ako lalo nang makitang iilan pa lang ang students na nasa loob. At least i'll have a peaceful breakfast in here.

"What's yours?" Tanong niya.

Tinignan ko kung anong available doon at pakiramdam ko ay gusto kong tikman lahat, but i don't have time to eat all of those. Maybe i'll just eat them if i have time.

"I'll just have a latte and a piece of chocolate oreo cake."

He nodded and looked at the lady in front of us.

"Miss one latte and espresso and two slices of chocolate cake."

Nang matapos kaming umorder ay pumunta na kami sa table namin. Pinili ko ang spot na medyo malayo sa pintuan at katabi ng glass wall nila para makita ang labas. This will be a perfect view.

"Hindi ka pa nakain?" Maya-maya'y tanong niya.

"Hindi pa. Kinain mo, e."

Sumimangot siya sa'kin pero sarkastiko ko lang siyang nginitian. I'm not lying naman and it is his fault that's why we ended up here.

Habang hinihintay amg order namin ay panay lang siya asar sa'kin. It's really annoying, but i don't have the energy yet to fight back at him. Mas pinili ko na lang na hindi siya kibuin pero nawala lang ang inis ko nang makita ang order naming pagkain. I'm excited to finally eat my cake now.

Nang matikman ang order kog cake ay pumalkpak pa ako sa sobrang tuwa. That was really good! Sa sobrang sarap ay halos nakalimutan ko na may kasama nga pala ako ngayon.

"You like that?" Namamanghang tanong niya.

"O-of... course! T-they're really... good kaya." Habang ngumunguya pa ay pinilit kong sumagot.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon