A day with you...
After the christmas day, Dylan has been spending his days with me. I'm actually bothered by it. Mamaya ay kung anong chismis na pala ang kumakalat tungkol sa'kin! Gustuhin ko man siyang itaboy ay hindi ko rin magawa dahil mapilit siya, pero aside from that, nagpapasalamat din naman ako na pinagtitiisan niya ako.
When i asked him why he's doing this, he just told me na ayaw niyang hayaan akong mag-isa and he wants to spend his time with me. He even joked about not going home and start moving his things in here in which of course, i didn't allow. Alam ko namang ginagawa niya 'to out of a good intention pero sadyang makulit lang ang pamamaraan niya.
I even remebered when he asked me if we could spend our christmas together. Siyempre ay hindi ako pumayag! I just said na uuwi ako sa pamilya ko which is partly true naman, but i haven't told him yet about what happened thar night. Alam kong mag-aalala lang siya para sa'kin and i don't want that to happen.
But since that day, parang wala na ako sa sarili ko. Oo nga't gumaan ang pakiramdam ko nang makasama ko si Ryle pero pamandalian lang 'yon. Nagising ako noon sa gitna ng gabi at saka umiyak nang umiyak. I can't seem to erase all the things that my mother has said to me that night and it breaks me every time that i think about it. Pilit ko mang kalimutan ang lahat, hindi ko talaga magawa 'yon at alam kong nahalata na ako ni Dylan, but i'm glad that he's been quiet about it. However, i have an idea that all the things that he's doing right now is related to this.
Sa umaga, ang routine na niya ay samahan ako. Mula sa pagsikat nito hanggang sa paglubog ay nasa tabi ko lang siya. Iiwan niya lang ako kapag may importanteng gagawin pero maliban do'n ay nasa tabi ko na lang talaga siya. Nakakainis pero hindi ko talaga siya magawang itaboy. Kalmado ako habang nasa tabi ko siya kaya kahit na gusto kong mapag-isa, hindi ko siya magawang paalisin nang tuluyan sa tabi ko.
But despite all of that, hindi ko pa rin magawang maging okay. Alam kong nahihirapang makisama sa'kin ngayon si Dylan pero nagpapasalamat akong nandiyan siya. Kahit na hindi ko siya kinakausap, patuloy pa rin siya sa pagkausap sa'kin. Kahit maiksi lang ang sagot ko minsan ay nagtitiis siya. Alam kong alam niya ring lahat ng ngiting iginagawad ko sa kaniya, lahat ay peke lang. Walang katotohanan dahil sino ba naman ang magiging tunay na masaya kung itataboy ka ng sarili mong ina? Kahit madalas akong tulala, hindi niya ako iniwanan. Kahit wala akong kwentang kasama, dinamayan niya pa rin ako.
I feel bad for him. Hindi niya deserve ang ganitong pakikitungo. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako kalupit kay Dylan pero hindi ko siya magawang paalisin sa tabi ko dahil alam kong sa oras na gawin ko 'yon ay tuluyan na akong bibigay.
"I don't have any idea why you're acting this way, bit i know that you're in pain. Hindi kita mapipilit na magsabi sa'kin at ayaw din naman kitang pilitn pero gusto kong maramdaman mo na nandito lang ako. Sa oras na gusto mo na ng makakausap, sa oras na hindi mo na kayang maging malakas para sa sarili mo, 'wag kang matakot dahil nandito lang ako para sa'yo."
Hindi ko sinagot si Dylan. Nanatili lang aong tulala sa kawalan. Even if i want to answer him, natatakot akong hindi maganda ang sabihin ko at masaktan lang siya. I'm still hurting at ayaw kong sa kaniya ko maibuntong lahat ng hinanakit ko. Okay na sa'kin na nasa tabi ko lang siya. Hindi na niya kailangang dalhin pa lahat ng sakit sa puso ko.
"Nasa tabi nga kita pero pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Ayaw kong sinasarili mo ang lahat pero anong magagawa ko? Kahit gusto kong tulungan ka, hindi ko alam kung paano. Gusto kong ako ang hingian mo ng tulong. Gusto kong ako ang sandalan mo kapag pagod ka na. Gusto kong pahirin ang mga luha mo kapag hindi mo na kaya. Kahit hindi na kita maintindihan, ayaw kitang iwanan dahil kahit gaano ka pa kahirap intindihin, handa akong manatili sa tabi mo hanggang sa maunawaan na kita. Kahit gaano katagal, maghihintay ako."
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
Fiksyen Umum[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...
