Chapter 41

18 2 0
                                    

Need...

After spending my whole day by just crying in my room, i managed to go to school like nothing has ever happened. Kanina lang din ay nalaman kong may dengue si Matt. Lalo akong nag-alala sa kalagayan ng kapatid ko, but i can't do anything.

Sa gate ng school ay nakita ko kaagad si Dylan na mukhang may inaantay. Hindi ko siya pinansin at basta na lang nilagpasan pero mabilis niya akong nahabol.

"I was looking for you yesterday." Nakangiting sabi niya.

"May nakita ka?"

"Wala." malungkot naman niyang sagot.

"Malamang dahil hindi din naman kita nakita." sagot ko sa kaniya kaya naman binatukan niya ako.

"Napakapilosopo mo talaga!"

"Natural na sa'kin 'yon. Masanay ka na lang."

"Ang hirap kayang masanay!"

Kinuha niya mula sa'kin ang bag ko ay siya ang nagsuot no'n. Hindi na lang ako umangal pa dahil alam kong hindi din naman niya ako hahayaang buhatin ang bag ko.

"Mahirap talaga dahil mas madalas pa akong bumagsak sa quiz kaysa ang makita ka." mapait na sabi ko.

"Baby naman..." malambing na tawag niya sa'kin kaya naman bahagya akong tumawa.

"Joke. Pero totoong mas madalas akong bumagsak sa quiz." bawi ko sa sinabi ko.

Nanlaki ang mata niya saka ako pinitik sa noo kaya naman sinaman ko siya ng tingin.

"Bakit ka namimitik?!" Sigaw ko sa kaniya habang hawak ang noo ko.

"Bakit hindi ka nag-aaral ng mabuti?!"

What i said is true. Napapadalas ang bagsak kong mga score sa mga quiz kahit na hindi ko naman sinasadya. Unfortunately, kahit aning pilit kong mag focus sa klase, palaging iba ang tumatakbo sa isip ko. Kahit nga ang matulog sa room ay madalang ko na lang nagagawa.

"Ayaw gumana ng brain cells ko e." walang gana ko na lang sabi.

Marami pa siyang sinabi habang papunta kami sa room pero tanging mga tipid na sagot lang ang mga naibibigay ko sa kaniya dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko kaya naman hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng classroom ko.

"I'll pick you up later." nakangiting sabi niya kaya naman napabuntong hininga ako.

May time na naman siya sa'kin. Hindi ko na tuloy maiwasang hindi matakot dahil kasama ko na naman siya. Mas mabuti pang wala na lang siya sa tabi ko kaysa naman sa nandito nga siya pero msmaya rin lang ay iiwanan na naman niya ako.

"A-alright..." pilit ang ngiting saad ko na lang.

Pagpasok ko ng room ay nakatingin kaagad sa'kin si Denise. Nakataas ang isang kilay at nanlilisik ang mga mata.

"Himala at hinatid ka ng boyfriend mo?"

Hindi pa man ako nakakaupo ay 'yun na agad ang tanong niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Pinakawalan siya ni bestfriend." i casually said.

"I see. Kaya naman pala."

Mula sa masamang tingin ay napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng mata niya.

"What happened yesterday nga pala? Ayos na ba ang kapatid mo?"

I sighed.

"Nadengue siya sabi ng doctor."

Tinapik naman niya ang likod ko at saka nginitian ako.

"Gagaling din ang kapatid mo."

Malungkot na lang aking ngumiti at tumingin sa labas ng bintana. Nag-aalala ako sa kapatid ko pero naalala ko rin ang nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng ilang taon na pahkikimkim ko ay nagawa ko ring sabihin lahat ng 'yon. Pakiramdam ko ay nabawasan ang mabigat na dinadala ko sa puso ko.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon