Meeting Again...
"Angel, gising ka na ba?"
Agad akong nagising nang marinig ang malakas na boses ni Mama mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Ilang beses pa siyang kumatok kaya hula ko ay naiinis na siya.
"Yeah, why?" Inaantok pang tanong ko pagkabukas ng pintuan.
"Gumising ka ng bata ka! Nako, nandiyan na si Denise at kanina ka pa hinihintay!"
Agad akong napasimangot. I still want to sleep! Ang aga naman niyang pumunta?
"Magdamag kang nasa galaan tapos ngayon inaantok ka?! Nako ka talagang bata ka!" Nauubusan ng pasensiya na sigaw ni Mama.
I laughed at my mother. Kasalanan ko naman talaga, but it's really fun last night! Masiyado lang talagang maaga si Denise today!
"It's too early to get mad at me, Mom. Don't stress yourself too much."
I smiled widely at her pero pinisil niya lang ang pisngi ko at pilit akong ginigising.
"Ouch!" Reklamo ko
"Tigil-tigilan mo 'ko! Kanina pa kita ginigising diyan!"
Mabilis na akong lumayo kay Mama dahil talagang mapapagalitan niya ako ng malala ngaying umaga kapag hindi pa ako nakapag-ayos. Close na close pa naman sila ni Denise! Pakiramdam ko nga minsan ay pinagtutulungan na nila ako!'
"Alright! I'll just get ready."
Nang bumaba na siya ay saka ko isinarado muli ang pintuan at saka humiga sa kama ko. Denise and i went home really late last night and that's why i planned to wake up late today. It just happened that Denise is so early today and in the first place, wala naman akong maalalang usapan namin na magkikita kami ngayon! I was really wasted last night that's why i'm too lazy to get up today. My head is throbbing, but i know that Denise will just give me a real headache if i won't come down realy quick kaya naman tinatamad na lang akong tumayo at dumiretso sa cr para mag-ayos.
Nang bumaba ako sa dining area ay naabutan ko ang family ko at si Denise na nag-aagahan na.
"Why do i have to see you this early in the morning?" Nakangiwing tanong ko kaagad kay Denise.
Naupo ako sa tabi niya at kumuha ng sarili kong pagkain.
"'Yung morning mo tanghali na!"
Eh? Tanghali na?
Nang-aasar na lang akong ngumiti sa kaniya saka nilingon ang katapat kong si Matt. Dati lang ay mas maliit pa siya sa'kin pero ngayon ay hanggang balikat na lang niya ako.
"Bakit kaunti lang ang kinakain mo? You don't like the food?" Takang tanong ko sa kaniya.
"I'll just eat again later. I'm going to play basketball with my friends."
"Where?"
"Sa court. Alangan namang sa cr?" Pamimilosopo niya.
Mabilis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa. How dare he talk to his older sister like that?
"Ouch! That hurts! Why did you kicked me?" Asik niya.
"Angel, bakit mo naman sinipa ang kapatid mo?" Tanong ni Papa sa'kin.
"'Yan kasing si Matt! Tinatanong ng maayos, namimilosopo pa!" Sumbong ko.
"Pilosopo ka din naman ah?" Singit ni Denise.
I glared at her. Ayan na naman sila! Pinagtutulungan na naman nila ako!
"Oh, shut up, please."
Narinig ko ang mahihinang tawa ng dalawa kong kapatid kaya naman sila ang sunod kong tinignan ng masama.
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
Fiksi Umum[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...