Done...
Agad kaming kumuha ni Dylan ng flight pauwi. After telling Dylan what was the call about, he immediately arranged our flights back kahit na bukas pa sana ang uwi naming dalawa.
Buong byahe ay umiiyak lang ako at tahimik na nagdadasal. Dylan tried to clam me down by telling me that everything's gonna be okay, but i can't really calm down unless i see him myself.
I feel sorry for Dylan because this day was supposed to be ours, pero hindi ko naman kayang maging makasarili. Hindi ko kayang maging masaya habang may isang taong kailangan ako ngayon sa tabi niya.
Hanggang sa daan patungo sa ospital ay hindi nabawasan ang kaba at takot sa puso ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak na para bang malaki ang maitutulong nito ngayon sa'kin. Hindi ako mslapit sa nasa itaas, but i am praying na hindi niya sana siya pabayaan.
Nang makarating kami ni Dylan sa ospital ay hindi ko na siya hinintay pa. Mabilis akong bumaba sa kotse niya saka tumakbo patungo sa kwarto kung nasaan siya ngayon.
Hindi na ako mag-abakang kumatok pa sa pintuan ng kwarto niya at basta ko na lang binuksan 'yon. Nandoon ang parents niya sa loob pero hindi ko sila pinansin. Umiiyak akong tumakbo papalapit sa kaniya saka siya mahigpit na niyakap.
"A-angel?" Gulat na tanong niya.
Mabilis akong humiwalay sa kaniya saka pinasadahan ng tingin ang katawan niya. Patuloy pa rin ako sa pagluha and i know that i look like a mess now, but i don't care anymore!
"A-ano ba kasi ang ginagawa mo?! Bakit bigla kang sinugod sa ospital?!" Umiiyak na tanong ko sa kaniya.
Bakas ang pagtataka sa mukha niya pero kalaunan ay tumawa rin siya kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis at umiyak. How can he laugh when i almost died just by worrying about him?
"I'm okay now!" natatawa pa ring sabi niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya ang hula ko ay si Dylan na 'yon pero nanatili kay Ryle ang tingin ko.
"Kung okay ka e di sana wala ka rito sa ospital!" Lumuluha pa ring ani ko.
Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ko at palisin ang mga luhang lumalandas dito.
"Tahan na. You know that i hate to see you cry, right? Stop crying now." nang-aalong sabi niya.
"I-if you want me to stop crying then be okay!"
"Nagpapagaling naman ako e. I'm sorry. I made you worry."
Hinawakan ko ang kamay niya. I just want to feel his warmth. I just want to assure myself that he's just beside me.
"Makinig ka kasi sa sinasabi ng doctor para gumaling ka agad! Ayaw ko dito sa ospital!" Reklamo ko.
He laughed.
"Nakikinig naman ako e. Gagaling din ako.
"Kailan?" Parang batang tanong ko.
"Kapag ngumiti ka na." nakangiting sabi niya kaya naman mas lalong namasa ang mata ko.
"Inuuto mo 'ko e!" Muling sigaw ko.
"Smile ka na. Gusto mo bang makita ka ni Dylan na ganiyan kapangit."
Mula sa likod ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dylan kaya naman nilingon ko siya saka tinignan ng masama.
"Magpahinga ka na nga!"
"Anong klaseng pahinga?"
Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya. Matinding takot ang bumalot sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
Fiction générale[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...
