Help...
Habang naglalakad ngayon sa loob ng campus ay marami akong nakasalubong na students. I am expecting that they're already on their respected classrooms dahil late na akong pumasok. Lahat sila ay nagmamadali at mukhang mga balisa kaya hindi ko naiwasan ang hindi magtaka kung anong meron sa pupuntahan nila.
Wala na sana akong balak na tignan pa ang kung anong pinagkakaabalahan nila pero dahil sa sobrang dami ng tao ay nadala na rin ako. Hindi man ako interesado ay tinignan ko na lang rin ang tinitignan nila. Dumiretso kami sa quadrangle kung saan nagkakagulo ang mga estudyante.
Dahil nagtutulakan ay hindi maiwasan ang magkaapakan at inis kong tinignan ang paa ko nang maramdaman ang ilang mga paa na umapak sa sapatos ko. Agang aga ay nabadtrip kaagad ako. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay 'yung nadudumihan ako!
Inis kong tinignan ang dahilan ng lahat ng 'to. Nakatingin sila sa taas ng isang building. Nagsisigawan. Hindi ko naman makita ng maayos kung ano ang nasa taas dahil masiyado silang magulo at nasa likuran ako.
Wala akong choice kung hindi ang makipagtulakan na rin at nang makita kung ano ang tinitignan nila ay nawalan ng emosyon ang mga mata ko. Nanlamig ang halos buong katawan ko at binalot ng lungkot ang puso ko. Mas lalo kong itinulak ang mga humaharang sa'kin para makapunta sa unahan at mas makita ng maayos ang nangyayari sa itaas.
Nasa unahan ang dean maging ang mga teachers. Bakas ang labis na pag-aalala sa mga mukha nila. Sumisigaw at nagmamakaawa na. Muli kong inaninag ang nasa itaas at halos nasilaw pa ako sa sinag ng araw pero pinilit kong tignan siya. Isang babae na sa tingin ko ay kabatch nila Dylan. May hawak na baril na nakatutok ngayon sa sarili. Umiiyak base na rin sa paggalaw ng balikat nito.
Sa kabilang side ay nakita ko sila Dylan na magkakasama. Umiiyak na rin si Klare habang ang tatlong lalaki ay sobra ang pag-aalala sa mukha. Halatang gustong tumulong pero hindi alam ang gagawin.
Ilang saglit pa ay mukhang nakita ako ni Lance. Lalapit sana siya sa pwesto ko ang kaso lang ay napapagitnaan kami ng dean at ng mga teachers. Marami ring estudyante kaya nahihirapan siyang dumaan. Hindi ko na lang siya pinansin at muling tinignan ang babae sa itaas. Nakaramdam ako ng matinding awa. Kung gusto niyang magpakamatay, sana man lang ay humanap siya ng magandang lugar.
Tumakbo ako papasok ng building. Narinig ko ang gulat na sigawan ng halos lahat ng nando'n kabilang na ang boses ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila binalingan ng tingin. Mabilis akong umakyat papunta rooftop ng building at nang buksan ang pintuan ay gulat siyang tumingin sa'kin saka mabilis na itinutok sa katawan ko ang hawak na baril.
Gusto ko siyang pagalitan. Siya ang magpapakamatay pero sa'kin niya itinututok ang baril ngayon. Baliw ba siya?
"Whoa, chill!" Nakataas ang kamay na sabi ko. "I thought you're the one who's suicidal? Bakit ako pa yata ang mauunang mamatay sa'ting dalawa?"
Tinitigan niya ako habang nakatutok pa rin ang baril sa'kin.
"What?" Walang emosyong tanong ko.
Unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya kaya naman umatras siya habang nakatutok pa rin sa'kin ang baril. Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na lang sa nakita kong upuan. Nang makaupo na ay sa'kin pa rin nakatutok ang baril pero hindi ko na lang inintindi 'yon.
"Don't point the gun at me. You should point it on yourself. In your head to be exact." I smiled.
Nanlaki ang dalawang mata niya sa gulat. Mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.
"Why? Don't look at me like that! Tama naman ang sinabi ko, 'di ba? Aren't you going to kill yourself?" Nakangising tanong ko.
"Don't stop me!"
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
General Fiction[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...
