Chapter 30

16 3 0
                                        

Sunset...

Narinig kong nag ring ang phone ko. I have no intention of answering it dahil nasira ang tulog ko. For the past week, i've been feeling really annoyed with everything around me. It all started when Dylan suddenly ignored me. Hindi ko alam kumg bakit and i'm trying to know why! Ilang beses ko na siyang kinausap kung may nagawa ba akong nakasakit sa kaniya pero daig ko pa ang nakikipag-usap sa bato kaya naman halos lahag sila ay inaasar na ako at ang pinakamalakas mang-asar ay 'yung dalawang lalaki.

Nagpatuloy sa pag-iingay ang phono ko kaya naman inis ko na 'yong sinagot. Alam kong hindi ko dapat ibunton ang inis ko sa tumatawag, but it's still early! Anong inaasahan niyang reaksyon ko matapos konv magising sa tulog ko? Matuwa?

"Oh?" Sagot ko sa phone call.

"Do you know what's the date for today?" Tanong ni Ryle mula sa kabilang linya.

"Naging kalendaryo na ba ako ng hindi ko alam kaya ako ang tinatanong mo kung anong date ngayon?" Inis kong sagot.

"Woah, chill! Napaghahalataan na wala kang ka-date e!" natatawang sabi niya.

"Bakit? Aanhin ko ang date? Makakain ko ba 'yon?" Walang interes kong tanong.

"Depende sa ka-date mo." Batid komg malaki na ang ngisi niya sa labi.

"Stop playing with me, Ryle. Hindi ako natutuwa."

"Alright. Valentines ngayon! Parang hindi ka talaga babae e." Natatawang sabi niya.

Tinignan ko ang date sa phone ko at February 14 nga naman ngayon. So it's finally that time of the year?

"And so? Ano namang gagawin ko kung valentines ngayon? Wala naman akong pakialam. Deserve ko lang matulog today."

Agad ko na lang ibinaba ang tawag. Naiinis talaga ako. Napuyat ako sa kakaisip kay Dylan. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung may problema, kausapin niya ako. Kung galit siya, sigawan niya ako!

Dahil puyat ako, mabilis akong nakatulog ulit. Maaga pa naman kaya may oras pa akong matulog, pero muli na naman akong naasar nang magising na naman sa isang panibagong tawag.

"Oh?"

"Papasok ka?"

Natigilan ako nang makilala kung kaninong boses 'yon. Mas lalo lang akong naasar. Ang lakas ng loob niyang tawagan ako nang ganuto kaaga matapos niya akong puyatin!

"Oh, e ano naman sa'yo ngayon?" Mataray na tanong ko.

"Pumasok ka." Utos niya.

"Papasok ako kung kailan ko gusto at kapag sinabi kong hindi, hindi ako papasok."

"Basta pumasok ka."

Hindi ako sumagot. Hindi ko talaga siya maintindihan. Noong nakaraan lang ay iniiwasan niya ako tapos ngayon ay tatawag siya at kukumbinsihin akong pumasok. Ano naman sa kaniya ngayon kung papasok ako or aabsent? Hindi naman siya maliligaw kung wala ako.

"Pumasok ka ah? 'Wag ka ng mag uniform. I'll wait for you."

"Whatever."

"Take care, baby. I love you!" Sigaw niya mula sa kabilang linya saka ako binabaan ng tawag.

Muling bumilis amg tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naiinis pa ba ako or ano na. Palagi naman niyang sinasabi ang tatlong salitang 'yon, pero hindi pa rin ako nasanay. Sa tuwing naririnig ko 'yon, kakaibang pakiramdam pa rin ang naidudulot nito sa'kin.

Tinitigan ko ang phone ko. Nakalagay lang doon ang pamgalan niya at unti-unti ay namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti. Nakakabadtrip na hindi niya ako kinibo ng ilang araw kaya naman hindi maitatangging namiss ko siya. Namiss ko kung paaano niya ako bwisitin at lambingin kahit na palagi ko lang siyang itinataboy.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon