Friends...
Habang magkasama kaming dalawa ni Rhyss ngayon na naglalakad papasok ng school ay panay lang ang pagdaldal niya. Kung madaldal na ako ay dinoble niya ata ang pagkamadaldal ko lalo na't masiyado pa namang maaga.
"Will you please lower down your voice? You're so loud, Rhyss!" inis kong sita sa kaniya.
Imbisxna tumahimik ay inirapan niya lang ako saka tinawanan. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita kaya naman wala na lang akong ibang choice kung hindi ang makinig sa mga sinasabi niya.
"Whatever! Sinisita mo ko riyan pero nagpapadaldal ka rin naman!"
Sinamaan ko siya ng tingin pero parehas lang din kaming natawa. She's right. Pinapatahimik ko siya but then sasabayan ko rin siya ng daldal. Madalas tuloy ay inissip kong abnormal talaga kaming dalawa.
"By the way, may gusto ka ba kay Lance?"
I was caught off guard by Rhyss' question. Mukha bang may gusto ako do'n?
"What? Paano mo naman nasabi?" Kulang na lang ay matawa ako.
"Minsan kasi ay sabay kayong nakain ng breakfast then lagi pa kayong nag-aasaran, but madalas din naman siya 'yung naawat kapag asar na asar ka na." She laughed.
Well, Rhyss is right. Halos every morning, Lance and i are always together pero dahil lang 'yun sa maaga rin siyang napasok and parehas kaming hindi nakakakain ng breakfast sa bahay. Kahit na minsan siya rin ang nangunguna sa pang-aasar sa'kin ay siya rin ang madalas na kakampi ko.
Umiling na lang ako sa kaniya pero mukhang 'di siya satisfied. Mukha ba tapagang may gusto ako kay Lance?
Ilang sandali lang ay mukhang naniwala rin naman siya pero muli na naman siyang nagbigay ng isa pang konklusyon.
"Sabagay, how about Dylan? Lately napapansin kong lagi kayong magkatabi saka 'yung incident last week? 'Yung babaeng balak mag suicide? Dylan ran after you that day!"
Dahil sa sinabi ni Rhyss ay hindi ko maiwasang hindi maalala 'yung nangyari last week. Malinaw pa rin sa memorya ko ang mga nangyari although i tried my best to forget it.
"Oh, ano?" Inip na tanong ni Rhyss.
"Wala 'no! Saka kita mo naman kung paano ako asarin no'n! His day won't be complete without annoying me!" Pinilit kong mag mukhang naiinis para hindi niya mahalata na kinakabahan ako dahil si Dylan ang topic namin. Mamaya baka mag-isip na naman siya ng kung anu-ano at maissue pa ako bigla.
"Well, oo nga naman. Ang lakas din mang-asar ng isang 'yon, e!
'Di ko naman mapigilang matawa dahil agree ako sa kaniya. Sobrang lakas nga naman kasing mang-asar ni Dylan eh wala naman sa itsura niya 'yung gano'n at sa pagkaka alam ko ay siya ang nangunguna sa batch nila. Kung tutuusin, sa unang tingin ay si Dylan 'yung tipo ng tao na puro pag-aaral lang ang inaatupag dahil masiyadong maamo ang mukha niya, kabaligtaran ng ugali niya.
Nang dumating sa loob ng classroom ay naupo kaagad ako sa upuan ko at gano'n din naman si Rhyss pero mukhang hindi pa siya natapos sa mga itinatanong niya.
"How about Jace?" Nakangising bulong niya.
Kulang na lang ay sabunutan ko si Rhyss para lang matauhan siya. Pati ba naman si Jace ay pinaghihinalaan niyang gusto ko rin?
"What do you mean? Don't tell me tingin mo may gusto ako kay Jace? Rhyss, stop it!" I hissed.
Mabilis naman niya akong hinampas sa braso kaya napadaing ako. Madalas talaga ay napakabrutal ng babaeng 'to!
"No! Jace and Klare! May kakaiba sa kanila, e!"
Natagilan ako. So hindi lang pala talaga ako ang nakapansin do'n sa dalawa?
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
General Fiction[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...
