Mistletoe...
Christmas means having to spend it with the whole family. It means having fun, forgiving, and giving gifts to your dear one's. Everyone is so excited abiut ths day and so am i. Just like the other people, i am looking forward to this day every year.
Dylan:
Have a good night, my Angel! Enjoy your christmas eve with your family, okay? I'll just see you tomorrow! I love you and i miss you!
Napangiti ako nang mabasa ang text message niya sa'kin. Kasalukuyang christmas break namin ngayon kaya naman may oras kami para sa family gatherings. Although i am already expecting it, hindi ko pa rin magawang isipin na talagang hanggang ngayon ay kukulitin ako ni Dylan. But no matter how happy i am that he didn't forgot about me during this time, there's still a feeling of pain that is bothering me.
December 24, 10:30 pm. Kung dati ng malungkot ang buhay ko, pakiramdam ko ay wala ng mas lulungkot pa sa mga oras na 'to. Simula ng mag christmas break ay hindi pa ako umuuwi sa'min. Bakit? Kasi nahihiya akong humarap sa parents ko. Malaking disappointment na nga ang tingin nila sa'kin, mas pinatunayan ko pa 'yon sa huling pagkikita namin.
Kahit na gaano pa ako kaexcited sa araw na 'to, hindi ko magawang ipakita sa kanila ang mukha ko. Nahihiya ako masiyado. Puro problema na lang ang ibinigay ko sa kanila pero kahit gano'n ay gusto ko pa ring umuwi para makasama sila sa darating na pasko.
Habang nakaupo sa kama ay tahimik lang akong nakikinig ng music. Listening to music will always be the best therapy. If you're happy, you enjoy the beat, but when you feel sad, you understand the meaning of every lyrics of it.
Madilim sa loob ng bahay ko dahil mas masarap sa pakiramdam ang dilim. Hindi ko alam kung weird lang ba talaga ako pero naging comfort zone ko na talaga yata ang madilim na lugar. The only light that i can see is the moon light. Tumayo ako mula sa kama at lumabas sa veranda ng kwarto ko. Agad na bumungad sa'kin ang malamig na hangin dahil na rin siguro ilang oras na lang ay pasko na. Tumingala ako sa langit at napangiti.
I will never get tired staring at the night sky. Ramdam ko ang lamig ng hangin pero wala na atang mas lalamig pa sa nararamdaman ng puso ko. Gustong gusto kong umiyak sa mga oras na 'to pero hindi ko na magawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil tumigil din ako sa kakaiyak o lalong maiinis dahil hindi ko mailabas ang bigat na dinadala ng puso ko.
Iginala ko ang paningin ko at kita ang iba't ibang mga bahay na puno ng liwanag. They're houses are filled with christmas decors. They all look prepared for this evening. Lahat ng members ng family ay present sa loob ng kaniya kaniyang bahay. But the most important thing is every house is full of happiness and love.
Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko dahil sa mga oras na 'to ay 'di ko alam kung may pamilya ba akong mauuwian at masasaluhan. Iniisip ko kung naaalala pa ba nilang may isang kulang sa mga anak nila o inisip na lang nila na namatay ako at hindi na dapat pag aksayahan ng oras.
Wala man lang nakaalala na imbitahan akong umuwi dahil matagal tagal na rin simula ng magkita-kita kami. Wala man lang nangamusta at nagtanong kung maayos pa ba ang lagay ko. Sa kabila ng paglalabas ko ng hinanakit sa sarili kong pamilya ay wala man lang humabol sa'kin para yakapin ako. Hinayaan lang nila akong umalis at hindi na ulit nilingon pa dahil sino nga ba naman ako sa pamilya, 'di ba? Ako ang black sheep. Ang kahihiyan sa'min kaya laking tuwa pa nila ng hindi na talaga ako magparamdam.
Tinignan ko ang phone ko and i saw greetings from my friends pero wala man lang do'n ang mula sa inaasahan kong tao. Wala ni isa sa kanila ang nakaalala sa'kin. Mahal pa kaya nila ako? O sadyang patay na ako para sa kanila kaya di na sila nag-abala pa. Naiinggit ako sa mga kaklase kong may kasamang pamilya sa oras na 'to. Tumingin ako sa langit at sa wakas naramdaman ko ang pamamasa ng gilid ng luha ko
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
Ficción General[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...