Liar...
A week had passed simula nang mag-away kami ni Dylan. Until now ay hindi pa rin kami nag-uusap. Each day, it's making me wonder how is he able to endure this. Paano niya natitiis na ganito kami ng halos isang linggo na kung dati naman ay halos buong magdamag kaming mag-usap para lang maayos ang away namin.
Lahat ng kaibigan namin ay wala namang alam sa nangyari sa'ming dalawa. Mabuti na lang din dahil gano'n dahil kung sakaling tanungin nila ako ay hindi ko naman alam ang isasagot. Ang gusto ko na lang talaga muna ngayon ay ang magkaayos kaming dalawa.
Si Tyler naman ay muli kong iniwasan hanggat maaari. Mabuti nalang din dahil magkahuwalay kami ng classroom. At least makakasama ko lang siya sa tuwing makikita ako ni Rhyss at Klare. Nakakalungkot dahil sa tingin ko naman ay masayang kasama si Tyler. He's like a breath of fresh air, pero ayaw ko ng mas lumala pa ang galit sa'kin ni Dylan.
Ilang beses ko rin naman sinubukang makipag-ayos na kay Dylan. Hindi ko kasi matiis na nag-aaway kaming dalawa pero sa tueing sinusubukan ko siyang kausapin, palagi niyang sinasabi na busy siya. Muntik ko na nga siyang pagdudahan na baka excuse na lang 'yon pero kahit si Ryle at Diana ay busy din naman talaga.
But today, i cannot take this anymore. Isang linggo na ang nakalipas at hindi ko na matiis na ganito kaming dalawa. Ayaw ko naman na ganito na lang kami palagi. Habang tumatagal ay mas lalo lang kaming napapalayo sa isa't isa kaya naman kahit late na at pagod na ako ay inabangan ko siya sa parking lot.
Nang matanawan siya ay nakita kong kasabay niya si Diana kaya naman ngumiti kaagad ako. I'm thankful to Diana dahil sa kaniya ko nakuha ang schedule ni Dylan dahil alam ko namang hindi 'yon ibibigay sa'kin ni Dylan at ayaw kong malaman ni Ryle na hindi kami okay ngayon.
"Dylan..." i called him.
Nilingon ko si Diana at nginitian niya ako saka nagpaalam na mauuna na.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni Dylan pagkaalis ni Diana.
"We have to talk."
"Ayoko."
Naglakad siya papasok sa sasakyan niya pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.
"I'm not asking you. I'm telling you that we have to talk whether you like it or not."
Mukhang naiinis na siya pero pilit kong nilakasan ang loob ko. Hindi ako papayag na aabot ang gabi na ganito pa rin kami.
"Fine. Talk."
Lihim akong napangiti dahil napapayag ko siya. Sa dami kasi ng attempt kong kausapin siya ay ngayon lang siya pumayag.
"I just want to say sorry first. I know that it's my mistake, but to tell you the truth, we didn't meet there on plan. Promise, it's just a coincidence. I was just taking a rest on the bench and he happened to be there. Inaya niya akong pumunta sa book store, but we're really just friends. Sinamahan ko siyang kumain dahil naguilty ako dahil isang oras niya akong sinamahan sa book store. There's really nothing that's going on between us so please, Dylan, believe me." Mahabang paliwanag ko.
"Tapos ka na?"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sagot niyang 'yon. Pakiramdam ko ay maiiyak na talaga ako sa harapan niya. I didn't expect him to be like this towards me. It feels like my explanation means nothing to him.
"Dylan naman e. Bati na tayo." pangungulit ko.
But im return, he just looked at me with those distant eyes. Halata ang pagod sa mga mata niya. Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
General Fiction[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...
