Beneath the moonlight and stars...
Hindi pa man nasikat ang araw ay gising na ako. Hindi ko na nga maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, but my eyes really hurt today. Siguro ay nakatulugan ko na ang pag-iyak.
I don't want to be seen by anyone looking like this kaya naman agad akong lumabas ng tent. Ang hangin dito ay sobrang lamig pero hindi ko na inalintana pa 'yon at naglakad na lang paalis.
But even after exhausting myself last night, i'm still not feeling okay. I still feel so lost kaya naman hindi ko namalayang may tao pala sa harapan ko.
"S-sorry..."
Nang mag-angat ako ng tingin ay bahagyang umawang ang labi ko. He's looking straight at my eyes. Mukhang bagong ligo siya kaya sigurado akong sa may batis siya nanggaling.
Dahil napaupo ako sa lupa ay umaasa akong tutulungan niya akong makatayo at kakausapin na sana pero saglit niya lang akong tinignan saka naglakad palayo na parang hindi ako nakita.
Mas lalong nadagdagan ang sama ng loob ko. How can he be like that to me? Nanghihina akong tumayo at nilingon ang likod niya. Umaasang lilingunin niya rin ako pabalik but he didn't. Kahit isang sulyap ay hindi niya ginawa.
I can't even speak. Naramdaman ko na lang na may mga panibagong luha na naman akong iniiyak. I don't know what's wrong with him. With us. And specially with me.
Why do i have to feel this way when in the first place, i don't even have the right to get hurt?
Nang pabalik na ako ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ni Rhyss na hinahanap ako kaya naman mabilis kong inayos ang sarili ko. I don't want to look weak anymore. At least not in front of them.
"Nasaan ba kasi si Angel?!" Inis na tanong ni Rhyss.
"I said i don't know! I was asleep so how would i know!" Ganting sigaw naman ni Denise.
Mabilis na nagtama ang tingin namin ni Klare na kasalukuyang inaaway 'yung dalawa kaya mukhang napanatag siya.
"Girls, calm down. Angel is here." Si Klare.
Mabilis na tumakbo sa gawi ko si Rhyss at tinignan ang kabuuan ako. She really looks like a mother to me sometimes.
"Angel, where the hell have you been?!" Nag-aalalang tanong niya.
"Obvious namang bagong ligo siya. Nagtanong ka pa." Bakas ang sarcasm na bulong ni Denise.
Mukhang nagpanting na naman ang tainga ni Rhyss kaya bago pa sila muling mag-away na dala ay hinila ko n siya papalayo.
Habang kumakain ng breakfast kasama sila Klare at Rhyss ay nasa kabilang side ang grupo nila Lance. Kumaway sila sa'min at ngumiti, but i can't concentrate in them. My eyes were glued at Dylan who's obviously avoiding me.
Ang sumunod na task namin ay magtanim ng puno. Just like yesterday, kasama pa rin namin ang partner namin that's why i'm here again with Denise. Hindi ko na rin naan ay masiyadong napansin dahil si Dylan lang ang naiisip ko. Bakit ba bigla kaming humantong sa ganito?
"Natulog ka ba? Mukhang wala ka sa sarili mo."
Medyo gulat kong nilingon ang katabi kong si Denise saka bahagyang ngumiti.
"May iniisip lang." tipid na sagot ko.
"Ano?"
Muli na lang akong ngumiti saka ibinaba ang tingin sa itinatanim. As if she would understand me when i, myself, couldn't understand me either.
"You don't look fine."
Muli akong nagulat nang magsalita siya.
"I'm fine." tipid ang ngiting sagot ko.
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
Ficção Geral[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...