Protect...
Tulad ng dati ay mas pinipili kong pumasok ng maaga sa school para miwasan ang late at ang makipagsiksikan sa gate once na dumating na ang ibang students. Alam kong mamaya pa naman papasok sina Klare at Rhyss kaya instead na sa classroom dumiretso ay naglakad na lang ako papunta sa garden para doon muna magpahinga at magpahangin.
Habang tahimik na naglalakad papunta sa garden ay napatigil na lang ako nang makita ang tatlong pares ng mamahaling sapatos. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Denise kasama ang mga kaibigan niya na masama ang tingin sa'kin. They don't usually go to school this early kaya naman hindi ko maiwasan ang pagtakhan.
Dahil ayaw ko naman na magkaro'n g interaksiyon sa kanila lalo na kay Denise ay mas pinili ko na lang na umiwas. Dahil nasa kaliwamg side ako ay lumipat ako sa kanan pero gano' rin ang ginawa nila. Nang muli ko silang tignan ay napaatras na ako. Mukhang ako ang sadya nila.
Tinignan ko ang mataray na mukha ni Denise. Sa year level namin ay siya ang pinakamaldita kaya naman halos araw-araw kong hinihiling na 'wag sanang magkrus ang landas naming dalawa ang kaso ay mukhang hindi na matutupad pa 'yon bago matapos ang taong 'to.
"Look who do we have here, girls!" Ani Denise sa isang maarteng boses.
Wala na akong balak na pansinin pa sila kaya naman tumungo na lang ako at umastang aalis na nang muli nilang harangan ang daraanan ko. Hinawakan ng isa nilang kasama ang braso ko at tahimik akong napadaing sa sakit dahil sa higpit nang hawak niya at lalo na nang marahas niya akong itulak.
"Don't you have manners? You didn't even bother to greet us for a good morning." Sabi nang tumulak sa'kin.
Mas pinili kong tumingin na lang sa lupa. I just want to get away from them.
"S-sorry. I-i have to go..." saad ko sa maliit na boses.
Muli akong umastang aalis na ang kaso ay muli nila akong itinulak dahilan para tuluyan na akong mapaupo sa may lupa.
"Wala ka talagang manners, 'no? I'm talking to you pero aalis ka? Well, what would i expect sa kagaya mong hampas lupa?" Bakas ang inis sa boses ni Denise.
"A-ano bang kasalanan ko?" Magtatakang tanong ko.
"Look, girls, nag mamaang-maangan pa siya!"
Malakas silang nagtawanan na tatlo habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Seriously, i don't have time for them.
"Hindi ko naman kayo inaano." Bulong ko sa sarili dahil hindi ko makita ang dahilan para pagtripan nila ako nang ganito kaaga.
Nagbalak akong tumayo pero muli akong napadaing nang maramdaman ang sakit ng tuhod ko. Pagtingin ko doon ay may galos na 'yon. Umupo sa harapan ko ang isang kasama ni Denise para magpantay ang tingin naming dalawa saka ngumiti sa'kin, but it was a devils smile. And i'm not wrong dahil nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin. Sa sobrang lakas no'n ay parang namanhid ang pisngi ko. Nagtawanan silang tatlo habang ako ay pilit na pinipigilan ang lalong pag buhos ng mga luha ko.
"Oh, why are you crying? Look what you did, Chelsea. She's already crying." pang-aasar pa ni Denise.
"Gusto mong malaman ang kasalanan mo? Ikaw mismo! You are the problem! Masiyado ka kasing nagmamaganda!" Dagdag na sigaw niya pa.
Kahit na lumuluha ay hindi mo maiwasang hindi mapaisip. This is the first time that we actually met and i am already a problem to her? Saka nagmamaganda? I wouldn't even consider that dahil ako mismo ang nahihiya para sa sarili ko, 'no!
"Don't give me that stupid look!" Sigaw niya saka ako sinampal ulit.
"First, si Lance then now si Dylan naman! Who's next? Si jace? You flirt!"
BINABASA MO ANG
Found In The Wild Waves
General Fiction[Completed] Angel Mendoza lived her own life by being an outcast to her own family. She lived independently trying to figure out what really her life will be. Describing herself as just nothing, she will get to meet Dylan Lopez. Will Angel finally...
