Panimula.

42 4 17
                                    



Panimula.


Jade.



"Tangina mo Adelina utang mo!" Sigaw ni Luna kay Jolene na halos ikagimbal na ng mundo.



Panay lang ang takip ko sa tainga habang nag-uusap sila. Hindi ko nga alam kung pag-uusap pa ba ang ginagawa nila dahil panay sila sigawan. Pati yung pagtawa nila, humihit ng high notes. Kaya kapag nagsasalita sila habang tumatawa, nagtutunog chipmunks.



"Bukas ko na babayaran, para namang gago 'to!"



"Tangina ka, sinabi mo na rin 'yan kahapon. Santa Maria santisima Adelina! Last year pa utang mo, dodos nalang di mo pa mabayaran!" Sigaw pa ni Luna.



Umagang-umaga, rinig na rinig na sa buong baryo ang sigaw at putak ni Luna. Walang kapaguran ang bibig niya na parang manok. Siya ang taga-gising ng buong barangay kahit hindi pa tumitilaok ang manok.



Humigop naman ako sa kape ko. It was so pleasant here in the province. You'll just find everything much more peaceful than in the city. You'll see yourself waking up because of the roosters in the morning, you'll see yourself breathing a not so polluted air. Ang tahi-tahimik, ang payapa.



It's been years since I settled here. Dito sa bayan ng San Francisco. It's been 3 years I think? Masyado ng matagal. Ganoon na rin katagal simula nung huli kong pananatili sa syudad.



Hindi ko na rin naman gustong bumalik.



"Luna, Jolene, mga bata halika na pasok na sa loob!" Rinig kong pagtawag ni Tita Jia sa amin.



Nauna nang magtakbuhan sina Jolene sa loob. Nag-uunahan pa sila papasok sa pinto. Napailing-iling nalang ako sa naging kilos nila. Tumayo na rin ako at dinala ang tasa na nasa tabi ko.



"Jade, tara na." Tumango nalang ako kay tita bago pumasok sa loob.



San Francisco is really a nice place to live in. Maraming mapupuntahang lugar kahit maliit lang. May ilang hacienda rito at plantations pero sa bayan pa. Hindi rin naman matagal ang byahe patungo sa bayan. Tumatagal lang ito ng kinse minuto. Pero ang paluwas naman patungo sa syudad ay inaabot ng humigit kumulang na pitong oras at higit pa.



"Jade dito upo ka na!" Tita Jia even pulled a chair for me.



Kaagad naman akong pumunta roon at nagsimula na ring kumain. Luna at Jolene were already eating their breakfast like they're racing. Nagpapaunahan sila at panay ang subo. Ang mahuli raw sa hapagkainan ang siyang maghuhugas ng plato.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon