Kabanata 11.

21 2 39
                                    



Pag-aaya


Panay ang ring ng cellphone ko sa oras ng alas sais sa umaga. Panay ang tawag ng kung sino man na ikinatakbo ko mula banyo kahit nagsisimula palang akong magsabon. Sobrang lakas pa ng ring na halos ikagimbal na ng buong paligid.


"Tanginang umagang-umaga, tawag nang tawag. Pakakainin ko ng sabon 'yang tumatawag na 'yan." Pagmamaktol ko habang nagdadabog pa patungo sa cellphone kong ang ringtone pa ay yung ayayay I'm your little butterfly.


Sinilip ko ang caller's id. I rolled my eyes when I saw Sol's name. Sabi ko na nga ba e.


Sinagot ko ang tawag. Bumangad agad sa akin ang matinis niyang boses na nakakabasag ng sampung plato in a row.


["Sino susundo sa'yo riyan?"]


"Si ano—" Pagsagot ko naman ng walang pag-aalinlangan.


Mas mabuti ng honest. Si Ace talaga kasi may kasalanan nito e. He offered to give me a ride na tatanggihan ko naman sana, kaso makulit. He insisted, kaya tinanggap ko na rin. I know that he wants me to be safe. It was understandable. Kahit ako naman ay gusto ko ring safe ang sarili ko. I want to be safe at all times, ayoko ng maulit yung nangyaring 'yon. 


What happened made me realize that even at school, or our so called second home, tends to be unsafe too. It was the people there who made it unsafe for students to wander on. In some schools, it was the professors. I am glad that NLU's school head knows what to do whenever there's a case like this.


Hindi ko pa nasasabi ng buo ang sasabihin ko nang putulin na niya ako.


["Bruha 'wag ka nang sumagot, alam ko na kung sino. Stay safe nalang sa inyo, bye."] The call ended in a second.


Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Binabaan ako na parang wala lang ng lalaking 'yon. Wala na rin naman akong magagawa. Sasabunutan ko nalang pagpasok ko sa uni.


Binaba ko ang phone at bumalik sa banyo. Umaandar ang oras. Baka mamaya nandiyan na yung lalaking 'yon, magbibihis palang ako. Napakabilis pa naman no'n magpaandar, parang may karera lagi. Mapapakapit ka ng mahigpit sa upuan mo e, habang nagchachant ng ama namin.


I hurried on taking a bath before dressing up. Nagkandaletche-letche pa ako sa pagkuha nung medyas na hindi magkakaparehas. Napamura nalang ako ng mahina habang nagmamadali. Mas lalo pa akong nagpanic nang makarinig ng doorbell sa may pinto.


"Wait lang!" Sigaw ko kahit ang liit ng chance na marinig.


Kagkag na ako sa pagsusuot nung sapatos ko. Basta ko nalang dinampot ang bag ko na nasa kama tsaka tumakbo papunta sa pinto. Kinalma ko pa ang sarili bago dahan-dahang binuksan ang pinto. This is either him or someone.


Madalas kasi ritong kumakatok si Mrs. Zaugustus. Lalo na kapag nagta-try siyang magluto. She's really nice, you know? Nung nakaraan ko nga lang nalaman na isa rin pala siya sa mga Scott's.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon