Kabanata 13.

16 2 39
                                    



Plushie



It was a tiring morning. My head wasn't aching, but my body was. I felt my muscles were ripped open, especially my shoulders and feet.


And yet nakuha ko pang tumawa kahit ang sakit ng likod ko. Memories from last night flash back in my mind. It rushed down my brain, everything sinked in just in a second.


Hindi ako makapaniwalang nangyari lahat ng 'yon mula kahapon hanggang kaninang madaling araw. Everything went fast.


Parang pinitik lang na kulangot e.


Bumangon naman ako sa kama ko. It was already 10 AM in the morning, nakailang thank you Lord pa nga ako dahil buti na lang, ala una pa ang pasok namin. Sulit ang tulog ko.


I went to the kitchen. Nagtimpla lang ako ng kape at kumuha ng tinapay. It was now my brunch. Late na rin naman akong nagising kaya hindi na ako nag-abalang magluto pa.


I checked my phone as I ate. Baha ang notifs ko ng messages mula sa kung kani-kanino. Inabala ko ang sariling tingnan lahat 'yon.


From: Day

Omg balita ko nauna ka na raw umuwi, stay safe ha?


Hindi na nga pala ako nakapagpaalam kina Day dahil do'n sa nangyari. Nagmadali na rin kaming umuwi. Wala tuloy akong pictures with them. Sayang naman.


Sunod ko namang tiningnan yung iba. Pinindot ko yung kay Sol, na parang nahuhulaan ko na agad ang laman.


From: Sol

bff okay ka lang ba?

tanginamo sumagot ka 😔😔😔

beh susugurin kita sa condo mo isa pa sige

ay omg kasama mo pa rin ba si ace?

ay stay safe and harot well

galingan mo ha!


Napangiwi na lang ako nang mabasa ang lahat ng texts niya. Ngali-ngali kong sugurin siya sa kanila at sabunutan. Kung ano-ano na lamang e. Sari-sari.


Tiningnan ko naman yung iba pang natitira. Nauna kong tingnan ang kay Tita Jia.


From: Tita Jia

Kumusta ka naman jan Jade?


Hay, mabuti na lang at mayroong signal sina tita ngayon. Minsan kasi, yung ilan kong mga messages sa kanila ni mama, inaabot ng oras o higit pa kung wala talagang signal. Kailangan talagang humanap ng magandang pwesto para makasend pabalik.


To: Tita Jia

Okay naman po tita, kayo po ni mama?


Actually, nagpaplano rin akong umuwi this next week. Hindi ako makakauwi ngayon dahil sa sunod-sunod 'kong kailangang gawin.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon