Kabanata 23.

9 2 47
                                    



A/N: Merry Christmas, Happy Thanksgiving, and Happy New year Everyone! :)


p.s: watch for signs :)


---

Lost


Missing:

Zyre Lopez

Age: 41

If seen, contact this no. 09XXXXXXXXX


Para lang akong tangang nakatingin sa nakaprint na papel na may picture ni mama sa mga kamay ko. 'Ni hindi ako makakilos at nakatitig lamang sa larawan niya na kukupas na yata sa tagal nang pagkatitig ko. Kahit pa humangin nang malakas, hindi ako matinag sa paraan ng pagkakatayo ko sa may tabi ng kalsada habang hawak ang litrato niya.


Mataas ang araw at tagaktak na ang pawis na nananalaytay sa balat ko. Hindi ko inda ang mainit na tama ng araw sa katawan ko at ang init sa bawat pagtayo ko nang matagal.


The day was clear; almost blinding yet people were still in gloom. Maaliwalas ang panahon pero madilim pa rin. And it felt like I still needed to open my umbrella and stay under its shade.


Hindi pa oras ng klase pero pakiramdam ko bibigay na ang utak ko. It's 8 AM in the morning pero nanghihina na agad ako sa pag-iisip palang. Sobrang daming tao sa kung nasaan kami ngayon at nakakalula sa bilang nila na parang langgam. Parang ang lapit ko nang bumigay sa lugar na kinatatayuan ko, kung hindi ko lang pinipilit tumayo at patuloy na magtanong-tanong sa bawat taong nakakasalubong namin.


Yung mga iba pang detalyeng pwedeng sabihin para makakuha lang ng impormasyon, sinasabi na namin. Iginuguhit sa hangin ang taas ni mama, ang kulay ng kanyang mga mata, ang mga nunal na pwedeng maging palatandaan sa kanya, at ang pinaka itsura niya.


I actually don't know what to do anymore. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Parang bumalik ako sa pagkamusmos ko na wala akong mga bagay na alam gawin. I never felt this much fear. I never felt such anxiety and desperation.


'Ni hindi nga agad ako nakagalaw nung tumawag si Tita Jia at sabihing nawawala si mama. My brainʼs function was even slower than anyoneʼs reflexes. Walang ibang natakbo sa isip ko no'n kundi umiyak at umpisahan siyang hanapin, pero hindi ko alam kung saan. Sinubukan din nilang hanapin, pero wala sa ibang baryo. At ang bukambibig lamang ni mama ay mapuntahan ako dito sa Manila.


Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa puntong hindi ako tuluyang napako sa kinatatayuan ko. 'Ni hindi ako makasagot sa simpleng tanong kung anong nangyayari. My vision was getting blurry because I was still digesting everything Tita had said to me. Tulala ako, tuliro, at nalulula sa mga bagay na isiniwalat niya. My forehead was creased, unable to speak, unable to move, not even a bit. Para akong tinanggalan ng lakas.


Hindi ko alam kung nasaan si mama. At ganoon din si Tita. Pareho kaming naasa na makita siya sa mismong araw na nawala siya. Wala kaming kaalaman sa kung saan siya nagtungo, kung bakit kailangan niyang umalis pa, at kung nasaan siya sa lawak ng Manila. Natatakot akong hindi siya makabalik at magpatuloy na magpalaboy-laboy sa mga daang hindi ako pamilyar.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon