Kabanata 5.

21 3 37
                                    



Saktong-sakto



Napakurap-kurap ang mga mata ko ng matamaan ito ng sinag ng araw. The light from the balcony was interrupting my sleep, as if it was telling me to wake up now. Kanina pa ako nasisilaw sa araw.


Pero gusto ko pang matulog.


Hinila ko ang kumot habang nakapikit pa rin. Tumalikod ako sa araw na kanina pa sumsinag sa mukha ko. Medyo hirap pa nga ako sa paghila ng kumot dahil parang may nakadagan do'n.


"Sol yung kumot.." Ungot ko habang pilit na hinihila yung kumot.


Ginagamit ko na ang buong lakas ko pero walang kwenta. Ayaw ko namang dumilat dahil inaantok pa ko. Nanatili akong nakapikit habang inaagaw yung kumot kay Sol.


"Sol akin na yung kumot..." I said even more.


Pero parang wala siyang naririnig. Tumigil muna ako ng ilang sandali. Ang hirap talaga niyang agawan ng kumot. Makakalas na lang ang braso ko pero kapit niya pa rin. Nakakapagod makipagagawan.


Parang yung braso ko matatangkas na kung ano mang oras.


Naalala ko tuloy nung time na nakisleepover ako sa condo niya. Yung kumot na nakabalot sa akin nung gabi, naging kanya nung umaga. Gano'n kabilis.


"Sol akin na kasi."


Pero walang kumibo. Napadilat nalang ako ng wala sa oras kahit gusto ko pang matulog. Napakurap-kurap ang mata ko habang nakatingin sa katabi ko. Medyo nanlalabo pa ang mga mata ko pero bigla itong nanlaki sa nakita. Kinusot ko ang mata ng paulit-ulit para siguraduhing tama ang nakikita ko at hindi ako lasing. Muntik ko pang masampal ang sarili at magkandahulog sa kama.


Tangina...


Si Ace. Katabi ko sa kama. At tulog siya ngayon.


Nanlamig ang mga paa ko at parang hindi ako makagalaw sa kinahihigaan. I continued staring shockingly at the man who's beside me right now. I couldn't even mutter a single world, 'ni wala akong masalita. Nakatulala at nakatitig lang ako kay Ace na natutulog ng mahimbing ngayon.


He looks so peaceful while sleeping. His long eyelashes were kissing his skin. His lips were perfectly pink and kissable. Medyo namumula pa ang kaniyang pisngi. Ang sinag ng araw ay tumatama ng kaunti sa mukha niya.


Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang tinitigan. I wasn't aware of the time. Nanatili akong nakahiga at nakatagilid sa tabi niya, hindi alintana yung nangyaring pagkagulat ko kanina.


This is the only time I got to stare at him this close. Kadalasan ay puro sa malayo lang. Pero ang ganito kalapit, ngayon lang. Habang tulog pa siya.


Pero agad ding nagtapos ang pagtitig na 'yon nang matagpuan ko ang mga mata niya. His brown eyes met mine for a second. It was shining a lot, na parang puno ito ng mga tala.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon