Kabanata 33.

5 1 0
                                    



a/n: hi, it's been a while ;) have fun here

---


Sabay


"Ano ba naman 'yang playlist mo, Lance Louie! Amoy nakakita ng pogi o maganda sa kabilang cottage!" Pagpuna ko sa kantang tumutugtog sa stereo ng sasakyan niya ngayon.


Tinawanan niya ako, "Amoy ka-schoolmate kamo,"


I laughed at him. Kung ano-ano na lang din talaga sinasabi nito. Well, the song was actually Paligaw-ligaw Tingin. Hindi ko inaasahang magpapatugtog si Louie no'n. First time ko palang marinig sa kanya yun, pati ang mga kantang nasa playlist niya ngayon. Usually kasi, puro OPM like different vibes and then english songs, pero now, tunog highschool na in love.


Sa totoo nga lang, yung tugtog ngayon ay parang tunog taong umaasa sa crush niya, pero plot twist no'n may gusto rin sa kanya sa ending.


"Next song, Crush..." Inirapan ko siya nang pabiro. Napailing-iling na lang ako.


We're actually on the way to work. Ako, bababa sa school, at siya naman ay papunta sa site sa may kabilang bayan. Doon din naman daw sa may bayan ang daan niya kaya ihahatid niya na rin ako kahit sinabi kong ayos lang kahit hindi na. Sanay na rin naman akong hinahatid niya, pero iniisip ko lang din kanina na baka malate siya. Yet the stubborn Lance Louie wouldn't just budge. Mas makulit pa sa'kin.


"The usual naman awasan n'yo later 'di'ba?" Pagtatanong niya sa'kin.


"Hindi ko lang din sure, kasi you know, Monday na. Madaming gagawin." I said.


"Okayy, message me when you're already going home.."


Sanay na lang talaga kaming magkasama nito ni Louie. Halos nasanay na lang din ako sa kanya na palagi niya akong hinahatid, sinusundo, o kaya tuwing random roadtrips. Kung minsan pa, dis-oras na ng gabi, magroroadtrip pa kami nila Luna papuntang Santa Solana o Santa Barbara para sa night swimming. Makakabalik na lang kami ng San Francisco pagkatapos nang lumubog ng araw.


Napansin ko namang lumiko na ang sasakyan sa gate ng parking ng school na pinapasukan ko. Naghanap muna siya ng parking space bago ako bumaba.


"See you later, boss.." Sumaludo pa siya, I did the same.


I continued walking towards the school patio after that. Sa bawat madadaanan ko, may mga bumabating estudyante pati school staffs. Bumabati rin ako pabalik habang naglalakad. The week will surely be busy again. The usual week here. Medyo rushed na rin dahil ilang araw na lang at Christmas vacation na. Everyone would be away for their own vacation.


Ako, wala naman akong ibang mapupuntahan kundi dito lang din. I actually want to ask Jolene and Luna kung saan kami pero baka may sari-sarili rin silang plano. Same with Lou.


Bakasyon na bakasyon, bulok lang sa bahay.


01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon