Kabanata 3.

22 4 27
                                    



18th



["Hoy beh ready ka na ba? Baka mamaya nakagown ka pa riyan, 'di ikaw yung debutant."]


"Kanina pa ko ready. Magsusundo nalang ang kulang." Sagot ko.


["Sure na 'yan? Baka mamaya tumatae ka pa riyan."] Halos isigaw na niya. Nakakarindi.


"Gaga."


We were invited to a debut birthday party this Saturday. It was our blockmate's sister's birthday party. Isa sa kaibigan namin ang kapatid ng ka-blockmate namin kaya kami inimbita. She's studying in NLU too with the course of Accountancy. First year college.


Hindi rin naman kami makakatanggi. Bukod sa kaibigan din namin 'yon, magtatampo 'yon. Baka hindi na kami lutuan ng pancit canton sa bahay nila. Nakalista pa kami sa 18 roses kaya kailangan talaga naming dumalo. Balak pa ngang maggown din ni Sol para raw maangas mamaya.


Dalawa raw silang nakagown nung debutant tapos magsasayaw sila sa gitna.


Kung ano-ano nalang naiisipan.


Tiningnan ko naman ang sarili sa salamin. I was wearing a black tuxedo, formal for debut. Classy and elegant was the theme of Daisy's debut party. Baka mamaya may mangyari pang inuman after party, after the elders were gone.


'Yon naman ang pinakainaabangan ng lahat. Wala namang pasok bukas kaya okay lang. Okay lang din daw kahit hindi na muna umuwi dahil may mga rooms naman daw doon.


I have no plans of drinking tonight. I still have to go home and finish my pending activities. Isa pa, hindi ako marunong uminom. I haven't tried drinking alcohol once in my life. At ayoko rin naman. Hindi ko rin naman kailangang pilitin ang sarili ko kung ayaw ko talaga.


Narinig ko naman ang pagtunog ng doorbell. Inayos ko pa ulit ang tuxedo ko bago nagtungo sa pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin si Sol na nakatuxedo rin at parang nawawalang bata na pumasok sa loob ng condo ko. Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin. Nagulat pa ako na kasunod niyang pumasok yung Benj.


Tangina anong ginagawa nito rito?


Close na sila ni Sol?


"Dito pala nakatira bebelabs ni kapitan. Maibalita nga." Sabi pa nung Benj tsaka hinugot yung cellphone sa bulsa niya. Takang-taka lang akong nakatingin dun sa dalawa.


Natanaw ko namang nakahilata na sa couch si Sol. Medyo nagugusot na yung tuxedo niya pero parang wala siyang pakialam. Nakatulala lang siya sa kisame, na para bang may tinitingnang butiki ro'n.


"Friends na kayo?" I asked, nakaturo pa sa kanilang dalawa.


"Syempre naman 2 joints~" Nagtwo joints pa sa harap ko yung Benj na ikinangiwi ko naman.


Bilis naman nitong kaibigan ko. Kaibigan na agad crush niya. Sa susunod hindi na ako magtataka kung jowa niya na 'to. Kahit makipagpustahan pa ako ng malaki. Sa bilis ba naman ng araw na 'to.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon