Kabanata 8.

18 2 54
                                    



A/N: This is my last update for the week. No updates next week since exam week namin 'yon and I really need to focus on reviewing my notes and such. Don't worry hindi naman ako mangghoghost after our exams HAHAHHAHAHHAHH. Goodluck din nga pala sa mga may exams diyan, you are all doing great!!


-nich.


---

Sa malayo



Whenever I meet his eyes, I can see the twinkling of delight. His eyes were full of shiny stars, mga talang mas maningning pa sa nasa kalangitan. Sa bawat pagtingin ko sa kanya, my heart was beating so loud that I could hear it in my own ears. I was even scared that he might hear it because of its loudness.



Nakakatakot na baka may makarinig. And I was really thankful that I am only the one who could hear my beating heart right now. Sa sobrang lakas ay parang lalabas na kung anumang oras.



Hindi ko alam kung bakit nilalamon ako ng kaba, pero sa parehong pagkakataon, I felt calmed. Kumakalma ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. I felt safe and comfortable around him. Isn't that confusing? Parang ang gulo.



Hindi ko maipaliwanag.



"Why are you here alone?"



"Para mag-aral."



He was now sitting in front of me, sa upuang kanina ay blanko lang. Pagkatapos kong umubo nang umubo kanina na mas malakas pa yata sa sampung tambutso ng sasakyan, tinanong niya kung pwedeng maupo sa upuan sa harapan ko. Tumango naman ako at pinagtatabi ang ilang gamit na nakakalat sa loob ng bag ko.



Kahit tahimik ang lugar, mas masaya pa rin kapag may kasama.



"Ikaw?" I asked him.



"Para mag-aral."



We suddenly burst out laughing. Sabay kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa habang parehong tinatakpan ang bibig. Pinipigil nalang namin ang tawa dahil sobrang tahimik ng paligid.



Hindi ko na alam kung bakit kami tumatawa. Dahil magkaparehas kami ng sagot? Hindi ko na rin alam.



Naalala ko tuloy yung nangyari roon sa waiting shed. Grabe kami makatawa nung araw na 'yon. Para kaming babawian ng hininga anumang oras. Naputol nga lang nung may tumigil na jeep sa harapan namin.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon