Kabanata 27

5 2 1
                                    




Mapag-uusapan



I got home after my shift that night. Tired and heart torn— I went home after chatting with Solace and closing the shop afterwards. I wasn't even my usual self while walking and making my way back home. Walang-wala ako sa sarili.


Pagod na pagod ako mula sa trabaho. Umiiyak na rin ako on the way home dahil pakiramdam ko, nag-iisa na naman ako habang naglalakad sa kahabaan ng kalsadang dinadaanan ko. I had the courage to plaster a smile and prompt a laugh in front of Solace, pero pagkaalis na pagkaalis ko, umiiyak na ako.


Tita Jia even called me this late. Naglalakad ako noon pababa ng Maybe, Coffee dahil wala na akong masakyan sa sobrang late. Tanging ang mga available na lang noong sasakyan ay medyo may kalayuan pa kasi madalang na sa may banda namin.


Sabi niya pa nga sa telepono habang naglalakad ako, Mom wasn't getting better. Oo, sinusunod naman yung sinasabi ng mga doktor, umiinom ng gamot, naaalagaan ng ayos, pero wala pa rin.


"Tita, bumalik na lang kayo rito sa Manila. May mga doctor dito, ipapatingin natin ulit—"


"Jade huwag na. Pwede ko namang dalhin na lang ang ate sa ibang bayan. Mahihirapan ka lang din."


Pigil na pigil ang mga luha ko no'n. Mas lalo akong hindi makahinga kaya bumabagal ang paglakad ko. Naupo pa ako noon sa may waiting shed na tinigilan ko para lang makausap siya nang maayos at mahabol ko ang sariling hininga habang naghahantay na rin ng sasakyan.


It was fine. Okay lang na umiyak ako sa lugar na 'yon dahil wala naman ng mga tao. Hindi na rin ako nagpigil umiyak dahil hindi ko na rin kakayanin kapag ginawa ko.


Pero nagkamali ako.


Just right after Tita Jia and I's call ended, Ace's call followed. I quickly made way for my cries to stop and wiped my tears away. I made my voice cheerful and clear enough.


"Hi Uno! Late na ah? You should be sleeping na, love.." I said.


"Are you done na sa work? I'll pick you up. I cooked your favorite. "


Umiling pa ako noon ng ilang beses na parang makikita niya ako. Kung susunduin niya ako rito, I'll just breakdown again. Sawang-sawa na rin ako. Ayokong nakikita niya akong ganito.


"No need na, I'm already on the way home. Wait for me na lang."


I wiped my tears. Lumalim ang paghinga ko sa pagtulo ulit ng mga luha ko. Mas lalo lang akong naiiyak kapag naririnig ko ang boses niya.


"Haya,"


"Hmm?" Mas lalo lang akong nagpigil umiyak.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon