Kabanata 34.

5 1 0
                                    



a/n: this is a promise, enjoy.


-- -- --

TW: mentions of d3ath


The Iconic Hello Chocolate


Okay, alam kong dumating na ang araw ng karma ko. Karma ko na talaga ang araw na 'to.


Bukod sa malalang hangover, pinipilipit na ulo sa sakit, kumakalam na tiyan, paos din at medyo masakit ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kagabi at niyaya ko si Sol na uminom pagkauwing-pagkauwi ko galing sa school.


Si gaga naman, dahil alam na namomroblema ako at uhaw sa chismis, walang pag-aalangang dumating sa bahay na may dalang cuervo na pinuslit lang daw niya sa maleta niya nung papaalis na sila sa Manila.


Gosh, and I feel the worst today. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakabangon at nakapasok sa trabaho nang medyo pumipintig pa ang ulo sa sakit habang paos din. Mabuti't hindi kami napuyat masyado dahil sinaway na rin kami ni Tita Jia na tumigil na sa kaiinom at kavivideoke nang dumating na ang alas diyes ng gabi.


Tangina naman kasi nito ni Facundo, sumisigaw na kumakanta ng Maybe this Time habang sumasabay ako tsaka umiiyak.


Pero sa totoo lang din, medyo gumaan-gaan ang pakiramdam ko matapos umiyak at magrant nang walang humpay kagabi. Naaalala ko pang nag-aadvice si Sol, pero wala na akong matandaan sa sobrang kalasingan.


"Ano ba't sabog ka? Kanina ka pa tulala riyan huy," Saway sa'kin ni Pauline habang kumakain kami sa may pantry area sa faculty office.


Dito na muna kami tumambay nang magkaroon ng lunch break. Wala kasi talaga ako sa huwisyo para makihalubilo sa mga tao sa canteen, at isa pa, ang weird ng boses ko. Baka isipin nila nagbibinata palang ako.


Ngumuya muna ako ng isang subo ng cup noodles bago sinubukang magsalita, "May iniisip lang,"


Maya-maya ay medyo natatawa siyang sumagot, "Ano ba kasi mga pinaggagagawa mo kagabi at napaos ka? Nakakaloka, buti hindi ka napagkamalang bumubuga ng apoy ng mga estudyante mo."


I rolled my eyes on her and sipped the soup on my food. Masyado yata lang talaga akong bigay na bigay sa pagkanta kagabi kaya ako napaos. Pinainom na rin naman ako ng luya ni Tita Jia kaya medyo hindi na rin malala ngayon. Kaninang umaga lang halos parang bawat salita ko, kulang na lang pumiyok ako.


"Wala lang. Nakipagbonding lang." Simple kong sagot.


Tangina wala na talaga akong halos maalala kagabi. Oo, nagadvice nga si Sol, pero parang wala ring silbi dahil mukhang tulog ako nung ngawa siya nang ngawa. Parang gusto ko na lang umiyak. Mas mahirap pa 'to sa pagsasalita ng paos e.


"Sus, siguro ang saya mo kagabi! Matching iyak with paos ang ganap,"


01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon