Kabanata 16.

17 2 45
                                    



Bonfire



Camp villa was just far from Manila. It was more than an hour or even two hour drive away. It will be a long trip with hours of chit chatting, eating snacks, car pooling, and sleeping. It would be a long road trip with a lot of laughs and smiles.


To be honest, I never expected that it would be this loud in this car even though we are all many here. I expected that some would be sleeping and some would be chatting, but not that loud. I expected that there would be a minute or even a second of silence!


But in the whole ride, it seems everyone was awake and bickering.


They were so loud.


"Hoy gago pre dito kasi! Ambobo mo naman!"


"Tanginang kampi 'yan, bakit naglaro pa 'yan!"


"Oh sa kanan! Jusko amen sa inyo!"


It was the two, Benj and Ray, playing something on their phone. Parang hindi sila nahihilo sa kaantukan, o sa biyahe. They've been playing since we got here in the car.


It's already 5:30 AM, and the sun is already getting ready to rise. We all woke up early and got ready for this trip since the place we're going to was far away from the city. Ace picked me up much earlier than 5 AM, good that I am already awake.


Paano ba naman ako hindi magigising? E tumawag si Sol alas kwatro ng madaling araw, sumisigaw sa call, trip manggising. Mumukat-mukat pa ako nang sagutin ang tawag niya.


Oh God, nakakaantok pa. Babagsak na ang mga mata ko anumang oras. Kulang na kulang pa ako sa tulog.


Pinilit ko pa kasing tapusin yung readings na natitira ko hanggang abutin ako ng alas dose. Alam ko namang gigising ako ng maaga, pero inuna ko muna 'yon. I can still manage, bahala na rin mamaya.


Those readings were more important, mas importante sa tulog.


"Are you sleepy?" Mukhang napansin ni Ace ang paghikab ko.


I just nodded, ang mga mata'y palagapak na.


Isinanday naman niya ang ulo ko sa balikat niya. That made me very comfortable. Makakaidlip ako sa isang saglit habang nasa biyahe kami.


Well, we're already far from Manila. We were somewhere here on an expressway. Binabagtas namin ang kahabaan ng daan habang medyo madilim pa ang kalangitan. It was kind of peaceful to do drives at dawn.


Zax was the one who's driving while Wallace was seated on the shotgun seat. Balak nilang magpalit ni Ace sa pagdridrive mamaya o sa pag-uwi. They will take turns on who will drive.


Ilang saglit pa, nakatulog na ako. It was easy for me to fall asleep since I stayed up all night. Sadyang pumikit na ang mga mata ko at nakaidlip na. I was tired to the bones! 'Ni parang hindi nga ako natulog o nakaidlip man lang bago ako magising ng alas kwatro.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon