Kabanata 22.

7 3 113
                                    



Overwhelmed


Trigger warning: panic/anxiety attack



["Jade, pwedeng umuwi ka sa weekend dito? Gusto kang makita ng mama mo—"]


"Tita, it-try ko pong makauwi! Promise po, susubukan ko talaga! Mauna na po muna ako, late na po ako!" I was nearly screaming because of panic.


Kung ano-ano na lang ang dinampot ko tsaka pinagsisilid 'yon sa bag ko. Everything was out of control. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko, may kagusutan ang damit, at gulo-gulo pa ang gamit.


I was holding my phone, answering Tita Jia's call while rushing myself out. I still managed to talk while forcing myself to rush more.


["Jade umuwi ka this week nakikiusap ako—"] Ramdam ko ang pagmamakaawa ni Tita sa boses niya pero hindi ko na alam ang uunahin ko sa ngayon.


I was nodding my head as if she would see it.


"Susubukan ko po talaga tita! Pasensya na po!" With that, I ended the call.


I just didn't want to wake up anymore.


Parang hindi na lang dapat ako gumising ngayong araw na 'to.


Tang ina, ang malas.


Dali-dali akong umalis ng condo at siniguradong nakalock muna ang pinto bago ako nagmadali pa lalo pababa ng floor. I didn't even take the elevator and decided to just take the stairs to rush, kahit na pawisan akong dumating, it's fine, as long as dumating ako ro'n.


Late na ako sa quiz namin.


At terror teacher pa 'yong teacher namin doon. Malakas ang loob magpaquiz, hindi naman nagtuturo. Gusto ko na lang umiyak habang nagpapanic ako.


"Please, please, please... Kahit sabit lang sa jeep, okay na po ako Papa Jesus." Nagdadasal na ako habang naghihintay ng masasakyan.


It was the usual and typical weekday pero inaasahan ko pa rin na sana hindi traffic ang papuntang Hiraya. Tadtad na rin ng messages ni Sol at Day ang cellphone ko, at panay din ang ring sa mga tawag nila. Nanginginig na rin ang mga kamay ko habang naghihintay kasama ang mailang-ilang pasahero sa may bandang tabi. Lahat kami ay umaasang may jeep na titigil para magpasakay, pero halos mamuti na lang ang mga mata namin, wala pa ring dumadaang hindi puno.



From: Sol (araw na mukhang dilim)

Bitch where the fuck are u? MAGSSTART NA YUNG QUIZ

POTA AKO YUNG NAIIYAK PARA SAU

SUMAGOT K NAIIYAK NA RJN AK


From: Day (Yesterday)

Jadeeeeee where r uu

Please please reply para masundo ka namin kung nasaan ka man ngayon

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon