Kabanata 1.

28 4 35
                                    



Isa pa pala



"Hoy beh, may chismis akong nakalap. Mainit-init pa." Sinabi ng kaibigan kong si Sol habang nasa may school library kami at nagbubuklat ng mga libro.


"About sa Sinagtala."


Hindi ko man gustong pakinggan, pero napalingon pa rin ako sa kanya.


NLU wasn't at peace when Sinagtala came. Fan girls were scattered all over the place, even at the gates. Dinadagsa sila ng tao at inaabangan na rin sa labas.


Sinagtala was formed last month. It was the idea of our uni to form a talented band through auditions here in the school. Sayang naman daw kasi. And at least daw, the uni could make much more fun years lalo na kapag may mga event yung school and such, which I think is just some sort of their randomness.  


Lul, 'ni di nga mapinturahan yung gate 4 dun sa kabila. Saan naman sila kukuha ng budget para sa banda?


Naalala ko pa tuloy kung paano ginanap sa auditorium yung casting. Students were so loud that their screams were heard even in the library.


Walang katapusang "ang pogi nung nakatayo" kahit lahat naman nung magauaudition nakatayo.


"So, 'di'ba kilala mo naman yung vocalist nila? I heard madalas daw siya sa Lexi with his friends. Doon sila lagi may gimik."


"Saan mo naman nakuha 'yan?" I asked, getting curious now.


"Teh nagtaka ka pa sa'kin. Kita mo namang may mata at tainga ako everywhere. Nakakakuha ng kung saan-saang chismis si bakla." Pinagpatong-patong niya ang libro sa lamesa namin.


"Paano 'ta nahahawa ka na dun sa kapitbahay niyong marites."


Tumingin lang siya sa'kin, he's giving me his sassy look. Ngumiti lang ako kaya umirap siya. He opened the books he put on our table.


Sol and I, we're taking the same course. We're both taking BS Elementary Education and we're in our third year. We're so close to graduating, ibig sabihin malapit na ring matapos ang paghihirap.


College is so stressful, you know? You have to continue and keep yourself alive kahit na ang daming requirements at dapat tapusin. It's tiring really. Lalo na kapag hindi mo agad maintindihan yung topic.


Minsan ay dinadaan nalang namin kay guardian angel. Especially in exams. Mahirap nang bumagsak. Kaya todo panalangin kami na sana bulungan kami ng guardian angel namin ng tamang sagot at 'wag niya kaming hayaang bumagsak.


Matapos magpunta ng library, nagtungo kami sa cafeteria. It was really our lunch break pero mas nauna pa kaming tumambay doon. Mahaba-haba naman ang break kaya may time pa kami para kumain.


We chose the table for two. Dalawa lang naman kami lagi ni Sol na sabay kumain. Panay pa pangdodogshow kapag nag-uusap kami habang kumakain.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon