Kabanata 25.

4 2 2
                                    



Decision


note: chapter still contains trigger warnings.


TW: angst, anxiety


It was the first time to eat with Tita and Mama again. Parang katulad lang dati palagi nung nasa bahay pa kami. It was always like this— kahit papasok na ko, o kahit wala pang pasok.


Tita Jia cooks, pero madalas ay si Mama. Papasok na rin siya sa trabaho niya kasabay ko pagpasok sa school. Life was good. Wala kaming ibang prinoproblema. It was all normal na parang sa usual days, wala ring dumadating kahit maliliit na issues. Pero kahit mayroon man, alam namin kung paano ayusin.


I felt excitement waking up and sitting on the dining table. Mas nauna pa ako sa alarm kong gumising. 9 AM pa naman ang pasok ko and I still had an hour to finish my necessities. Lumabas ako ng kwarto pagkagising na pagkagising ko.


The aroma of coffee, fried rice, smell of hotdog and eggs, greeted me as I stepped out of the room. Sinundan agad ng mga mata ko ang dining area kung saan nandoon na si Tita at nag-aayos ng utensils sa mesa. Nilibot ko rin ang tingin sa buong unit para hanapin si Mama. Nakita ko siya agad doon sa may pwesto niya palagi, sa may balcony. Binalik ko na lang ulit ang tingin kay Tita. Her eyes went on me.


"Good morning Jade, halika, kain na..."


"Good morning Ma, Tita.."


Naglakad ako patungo sa kaniya tsaka naupo sa may lamesa. My eyes glanced back at Mama who's just staring blankly at nowhere. Nanahimik na lang ako at nagsandok ng kanin sa plato ko.


"Tita, kumain na po ba si Mama?" I asked.


"Oo, kumain na kanina. Hindi ko na naisabay sa atin kasi may iniinom din siya sa oras na gamot." Sinabi niya tsaka naupo na rin sa upuan sa may tapat ko.


I just nodded at her. Naiintindihan ko naman 'yon. Nakakalungkot lang talaga kasi I thought I can eat breakfast with them nang sabay-sabay tulad ng dati. But I guess, things change. Nahihirapan lang talaga akong tanggapin ang lahat.


Walang nagsasalita sa amin ni Tita habang kumakain kami. Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig at ang pagtama nito sa plato. Parang pareho kaming nagkakapaan kung anong sasabihin namin sa isa't-isa o ano yung ioopen na topic kung sakaling magbalak magsalita.


Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako handang iopen up yung mga gusto kong iopen up kay Tita Jia. Pinanghihinaan talaga ako ng loob pero kailangang-kailangan na rin sa madaling panahon.


"Kumusta yung dinner niyo kagabi?" Si Tita na ang unang nagsimula magsalita.


"Okay naman po Tita. It went well." Sabi ko tsaka nagpatuloy sa pagkain.


Wala na ulit nagsalita pagkatapos. Hangin na lang ang dumadaan sa pagitan namin. Yung pagkaing kinakain ko, lumalamig na lang kasi hindi ko na maisubo. Pabalik-balik na lang ang hawak kong tinidor at kutsara sa plato.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon