Kabanata 9.

17 2 38
                                    




Same


"Hoy yung banner, iabot niyo rito!"


"Yung marker paabot din!"


"'Wag kayo dumaan dito! Natatapakan niyo!"


"Lia! Ano bang magandang ilagay dito?"


"Huy Rhea tulong! Samahan mo ko sa cr!"


Dinig na dinig ang mga boses ng mga ka-blockmates ko sa hallway palang ng dept. namin. Their voices were clear and loud enough to be heard around the building. Mas maingay pa sila sa mga elementary students habang wala yung adviser nila.


Busy kasi sila sa paghahanda para sa gaganaping mini concert sa may grandstand mamaya. It was already the day of celebration. Eto yung event na pinaghandaan talaga ng sobra ng banda, kaya lahat talaga ay abala.


Kanina pagpasok ko palang sa may main gate. I could already distinguish the differences from a normal school day to an event on day one. Grabe kabongga yung mga designs, sa may gate palang. Kahit sa bawat buildings and departments, marami ring nakasabit na kung ano-ano.


Wala namang klase ngayong araw kaya abala talaga ang lahat. Siyempre birthday ni panot. Bawal ang hindi nagcecelebrate.


Pero sabi raw, eto na raw last day ng current school head namin as a school head ng uni na 'to. May bumili na raw kasi ng buong uni. 'Yon lang pagkakarinig ko.


Siyempre matic, ang chismis natin ay galing sa dakilang araw na mukhang dilim.


"Uy Jade! Tulungan mo ko sa banner dali!" Nakasalubong ko naman si Sol sa may hallway.


Pawis na pawis siya na parang kinulong siya sa isang sauna. May hawak-hawak siyang malaking cartolina na gagamitin niya yata para sa banner niya, tapos mayroon ding marker. Hindi pa nga ako nakakapagsalita, nang bigla niyang hilahin ang kamay ko papunta sa room namin.


"Hoy dahan-dahan naman!"


Halos magkandabuhol-buhol na ang mga paa ko sa pagsunod sa kanya. Grabe makahila si bakla! Makakalas na ang braso't paa ko sa pagkakahila niya! Kaunti nalang ay masusubsob na ako sa lupa sa sobrang lakas ng pagkakahatak niya.


Grabe nakakaawa braso ko.


Makakalas pa ng wala sa oras.


Sabay kaming pumasok ng room. Tulad nga ng inaasahan ko, bumungad agad sa akin ang mga ka-blockmates naming nakadapa sa sahig habang nagdedesign ng banners. May ilan ding mga nakaupo, mga taga-gupit ng papel, may taga-instruct ng gagawin, may naglalaro sa cellphone, at kung ano-ano pa. Marami na ring nakakalat na gamit sa lapag.


"Omg Jade! Dito kayo ni Sol gumawa!" Tawag sa amin ni Day nang makita niya kami.


01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon