Kabanata 7.

17 2 41
                                    



Secret Admirer



"Bitch ka! Bakit hindi mo sinabing hinatid ka ni Ace kagabi?!" Halos sabunutan na ako ni Sol sa kilig.



I just rolled my eyes on him. Nakwento ko kasi sa kanya habang naglalakad kami papunta sa department namin na nagsabay kami sa jeep pauwi ni Ace. Para siyang timang na patalon-talon kanina sa daan, parang kangaroo. Kinikilig daw siya malala. Hindi ko rin alam kung paano siya pakakalmahin dahil kaunti nalang ay sisigaw na siya sa hallway.



"Anong hinatid? Nagkasabay lang kami." Sabi ko pa.



"Timang! Hinatid ka noon! Hindi lang halata. Tsaka gusto no'n maging safe ka! Tsaka ano yung kwinento mo, yung binayaran ni Ace yung apat na spots para lang makauwi ka ng maaga! 'Te gaga ka kung 'di mo napansin 'yon!" Ngali-ngali niya akong batukan.



Anong hatid, 'di naman hatid 'yon 'di'ba? Muntik lang nung malapit na akong bumaba kasi mas malapit yung pinagsstayan ko kaysa sa kanya. But I insisted na ako nalang mag-isa para makauwi na siya. Baka may gagawin pa siya sa bahay o hinahanap na rin siya ng parents niya.



Hindi na rin naman siya nagpumilit. He just accepted my decision before going home.



May narinig naman kaming ingay na nagmumula sa isang room. It was from our classroom. Sa boses at sigawan palang, kilalang-kilala ko na kung sino ang nangunguna. Nagkatinginan naman kami ni Sol out of curiosity. May mga iba na ring estudyante na nakikisilip mula sa mga rooms nila.



Sino ba naman ang hindi macucurious do'n? E may mga nagtitilian?



"Ano 'yon? Bakit parang may mga tumitiling kambing?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Sol habang hinahanap kung saan nanggagaling yung tunog.



Nagpalingon-lingon pa kami sa paligid, kinakabahan na dahil baka puntahan na kami ng dean dito. Ang class namin ang pinakamaingay sa lahat ng room dito sa dept. Parang ang mga inaalmusal microphone. Kung ang k-pop idols ang inaalmusal, tinatanghalian, hinahapunan, minimidnight snack ay cd's, sila naman ay mga megaphone.



Tingnan mo naman kung gaano kalalakas ang mga boses, abot doon sa may field. Grabe.



"Omg sinong nagbigay? Nakita niyo ba?" Sobrang linaw nung mga salita.



Nanatili naman kaming nakatayo ni Sol malapit sa may classroom namin. Nakikinig kami ng tahimik sa chismis kineme kineme nila for today. Umagang-umaga, chikahan agad. Kaniya-kaniya pa silang kumpol-kumpol sa mga upuan nila.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon