Chapter 2
Pag-gising ni Grey ay sobrang sakit ng ulo niya. Uminom kaagad siya ng med at tubig dahil sa sakit. Napatingin siya sa ayos niya at kung nasaan siya at natawa na lang at napakamot sa kaniyang ulo.
"Hindi na ako nakapagbihis. Hindi pa ako nakapang-abot sa k'warto. Amazing, Grey. So proud you," natatawang sabi niya sa sarili.
Dinampot niya ang phone na nasa lapag na. Nakita niyang may messages at call. 3 missed calls galing kay Yara, 5 kay Wyatt. May mga messages din ito at mukhang drunk call at text lang ang lahat ng kay Yara. Kay Wyatt naman ay nagtatanong ito kung nakauwi na ba siya.
Unknown number;
Naihatid ko na po, boss. Don't yah worry. Safe na safe si Crew. Si Parker ito, boss. Don't chat back. May bebe na.
Pilit niya pa inalala ang nangyari at natandaan niya ang kasama ni Crew. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig ng maalala ang mga sinabi niya kay Keanu. Sinabunutan niya ang sariling buhok at padamog na nahiga ulit sa sofa.
"Lamunin ako ng lupa. Ngayon na. Ang landi ko. This is not me," sabi niya sabay sipa ng paa sa ere habang nakahiga pa rin.
Binuksan niya ulit ang phone niya at dumiretso siya sa twitter since doon siya parating tumatambay at nagrarants. Pagtingin niya ay may notification pero laking gulat niya dahil it's from Keanu.
👤kns followed you
Wala pa itong kahit anong post. Wala pa nga pati header at profile. Halatang-halata na kakagawa pa lang. Mas lalo siyang nagdabog at dumiretso siya sa messages.
kns;
Hi.
Nagreply na lang siya ng hello at nag-thank you. Hindi niya rin naman kasi alam ang gagawin. Kailangan niya rin na iwaglit na muna ang lahat ng iniisip dahil kailangan nilang matapos lahat ng mga requirements at makapag-review na dahil sa nalalapit na finals para sa first sem nila. Graduating students sila kaya kailangan nila mag-double time.
Hindi na muna sila lumalabas. Sa condo lang sila nag-istay. Minsan magkakasama, minsan naman hindi. Sa instagram lang siya nag-oonline dahil alam niyang madidistract lang siya kapag halos ng Social media accounts niya ay binibisita niya. Nag-oopen lang siya ng ig account niya kapag gusto niya magpost ng picture or lumapag ng IG story ni hindi siya bumibisita sa messages.
Halos dalawang linggo silang sabog na magkakaibigan. Matapos nilang maipasa lahat kahit halos wala na silang tulog. Halos puro kape na ang laman ng tiyan nila ay nakaabot naman sila at nakapagreview. Matapos ang exam ay gustuhin man nilang magbar pero bawat isa ay tumanggi.
"Gusto ko bumawi ng tulog hindi ng inom," sabi ni Crew.
"Next time na lang. Gusto ko nga lang din muna magpahinga," sabi naman niya sabay inat ng kamay matapos ang exam. "Ayoko na pero konti na lang," dagdag niya pa.
"Landi time na ulit ft. Thesis ampuchie," sabi ni Yara. "Una na ako. Kailangan ko na talaga ng tulog. Hatid mo ako, Wyatt."
"May sasakyan akong dala. Una na kayo. Dadaan muna ako starbucks," sabi niya. "Ingat kayo. See yah na lang ulit kapag okay na at nakapag-pahinga na ang lahat."
BINABASA MO ANG
MANANATILING IKAW
Любовные романы[COMPLETED] Mananatiling Ikaw kahit Pa Natatakot ako na Baka hindi na Ako. Posted: March 10, 2022 Finished: April 11, 2022