I

173 7 0
                                    

Chapter 1

"Makikita ko pa kaya yun?" tanong niya habang nasa cafeteria sila ni Crew na kaklase niya rin dahil same course sila.

Sina Wyatt at Yara ang umorder ng pagkain nila kaya naiwan sila ni Crew para maghanap ng pwesto. Naupo lang sila habang hinihintay ang dalawa. Nilagyan ni Yara ng concealer ang ibaba ng mata niyang namumula pa rin dahil sa pagkakasuntok sa kaniya sa bar.

"Ang landi ah. Crush mo na?" tanong ni Crew saka siya ngumiti. "Huwag ako. Marupok ka pa naman. Delikado na yang pag-ngiti mo na yan."

"Ano yan?" tanong ni Wyatt habang may dalang tray. "Sino ang delikado?"

Naupo ito sa tabi niya at nilagay sa harapan niya ang pagkain na para sa kaniya.

"Yang si Grey type ata yung lalaking yumakap doon sa iniligtas na babae. Pinagpipilitan na kuya lang yun noon pero who knows."

"Not sure pa naman kung makikita natin ulit. Huwag na kayong ano diyan," paliwanag niya. "Kain na lang tayo. Gutom na ako. May klase pa tayo."

Dali-dali na ang pagkain nila. May long quiz kasi sila kaya naman talagang hindi na sila magkanda-ugaga. Buti na lang at nakapagreview naman siya kaya hindi siya masyado nahirapan pa. Sakit sa ulo pa ang paparating na second sem dahil sa thesis.

Matapos ang klase ay dumiretso sila sa bar. Dahil sa umaasa siyang makikita muli ang lalaki kaya sumama siya habang bakante ang gabi nila. Pinagtutukso pa siya ng tatlo dahil sa tinamaan na raw siya.

Nang makarating sa bar ay panay ang libot ng mga mata niya. Nakabusangot siya at uminom na lang dahil hindi niya makita ang hinahanap niya.

"He's not here," he said while pouting his lips. "Sad na ako."

Hanggang sa umabot ang 11 ay wala. Inihatid siya ni Crew dahil may dala itong sasakyan habang hinatid naman ni Wyatt si Yara. Hinatid siya hanggang sa unit niya ni Crew dahil nahihilo na siya at mababa talaga ang tolerance niya pagdating sa alak.

"Ano kaya mo na?" tanong ni Crew.

Ngumiti siya saka tumango. "Kaya ko na. Ingat ka hah? Tutulog na ako. Nahihilo na ako."

Hinatid siya ni Crew sa k'warto bago tuluyang umalis. Napangiti siya dahil hindi talaga siya maiwan-iwan ni Crew na hindi maayos ang lagay niya.

Kinaumagahan ay ang sakit ng ulo niya. Mabuti na lang at hapon pa ang klase niya. Inayos niya pa ang Research writing niyang subject dahil mas lalo nitong pinasasakit ang ulo niya.

"Ba't ba kasi may mga research-research? Gusto ko lang naman mamuhay ng tahimik pero papatayin ata ako nito. Akala ko drawing-drawing lang ng bahay ang architecture sarap bumalik sa kinder," sabi niya habang naiiyak na.

Wala siyang choice kundi tapusin ang lahat ng kailangan niyang tapusin. Dahil ayaw siyang sunduin ng sino man ay dinala niya ang sasakyan niya. Pagdating niya sa school ay talagang wala siya sa mood. Hindi na rin siya kinulit pa ng mga kaibigan dahil sa busy rin ito sa pag-aayos para sa research writing nilang subject.

Ilang araw pa ang lumipas ay hindi na sila makapunta sa bar. Nag-sleepover pa ang mga ito sa condo niya para gumawa ng mga kailangan nilang gawin. Umorder na lang din sila ng pagkain dahil wala rin naman silang oras pa para magluto.

"Sumama lang naman ako sa inyo hindi ko alam na 5 years pala akong maghihirap," sabi ni Wyatt. "T*ngene gusto ko na lang maging patatas. Gusto ko lang naman na kulayan ang mundo niyo pero ito sawang-sawa na ako. Parang mas gusto ko na lang maghugas ng plates."

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon