Chapter 14
"So umalis tapos hanggang ngayon hindi na bumabalik?" tanong ni Yara at tango lamang ang kaniyang isinagot. "May text?" Umiling siya saka nilagok isang bote ng alak.
Tinawagan niya si Yara at pinapunta sa isang bar. Nauna siyang makarating dahil dala niya ang sasakyan niya. Many girls are trying to dance and drink with him but he is always saying that he has a boyfriend to make them leave him alone.
"My parents waited. Bakit ngayon pa? My parents likes him tapos aalis siya and now hanggang ngayon wala pa siya. I hate this feeling eh. I hate it so much."
Niyakap siya ni Yara habang hindi na niya mapigilan ang umiyak sa bisig ng kaibigan. Nang dumating si Crew at Wyatt ay nagulat ito sa nadatnan.
"Hey. Come here." Binitawan siya ni Yara at lumapit si Wyatt at niyakap siya. "Hindi dahil naranasan ko mararanasan mo rin. Iba kayo ni Keanu, at iba rin kami ng mga past relationship ko. Kausapin mo si Keanu, Grey. Hindi yan healthy na kinikimkim mo ang lahat ah. Talk to him."
"How? It's obvious that his top priority is his girl bestfriend. Bakit sa harap pa ng parents ko? Wyatt, I'm scared. Mahal ko eh."
"Talk and listen to each other," Crew said. "Let him talk and you listen… vice versa."
"Grey, let him talk. As our baby this is our best advice to you. Learn how to listen. Huwag mo ikompara ang sa inyo sa iba kasi ibang-iba naman kayo. Okay?" He nodded as an answer to Yara. "Don't cry na."
Uminom siya pero hindi naman siya nalasing. Past 9pm ay nagpaalam siya na uuwi na. Ihahatid sana siya ni Crew pero hindi siya pumayag dahil may dala naman siyang sasakyan. Paglabas niya sa bar ay dumiretso siya kung nasaan ang sasakyan niya. Nagulat siya dahil nakita niyang nakatayo si Keanu sa may kotse niya habang nakasandal ang likod nito sa may pinto ng sasakyan habang naninigarilyo pero nang makita siya nito ay kaagad nitong itinapon at tinapakan ang sigarilyo.
"Grey, sorry."
"Pumunta ka rito para makita ko na naninigarilyo ka?" tanong niya. "Ano?"
"Sorry." Lumapit ito sa kaniya pero itinulak niya ito. "Stress lang. Wala akong dalang sasakyan pasok ka muna sa sasakyan. Please talaga, baby. Please hintayin mo ako. Mag-toothbrush lang ako."
"Umuwi na tayo," sabi niya sabay tapon ng mint candy na kaagad naman nitong nasalo. "May mouth spray sa loob."
Nang makapasok siya sa sasakyan ay nasa passenger si Keanu. Inabot niya muna kay Keanu ang mouth spray. Hinubad niya ang jacket niya at itinapon sa may likod. He knows that Keanu is watching him while his face are serious. He didn't mind Keanu's presence.
"Darling, sorry na. Ano nakausap ko sina tita, nakuha ko number nila kay Yara. Nag-sorry ako bago kita pinuntahan dito. Sinaktan kasi ni tito si Cams kaya pinuntahan namin siya ni Xavier tapos sumunod naman yung dalawa."
Natahimik siya dahil nakaramdam siya ng pagka-konsensya. Wala naman talaga siyang alam at nag-ooverthink lang naman siya.
"Inalis na muna namin si Cams sa kanila at hindi namin maiwan dahil iyak nang iyak. We also cleaned up Xavier old condo para doon siya magstay."
"Sorry," he whispered. "Sorry ah may boyfriend ka na hindi ka maintindihan. Na mahilig mag-overthink. Sorry kasi—"
BINABASA MO ANG
MANANATILING IKAW
Romance[COMPLETED] Mananatiling Ikaw kahit Pa Natatakot ako na Baka hindi na Ako. Posted: March 10, 2022 Finished: April 11, 2022