IV

62 4 0
                                    

Chapter 4

Sanay siya na magising ng maaga kaya nagising siya ng 5am. Nagulat siya dahil sa nakalimutan niyang katabi niya pala si Keanu sa sofa. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito na nakayakap sa baywang niya at ang binti nitong nakadantay din sa kaniya. Nang tuluyan na siyang makaalis nag-inat-inat siya ng kamay.

9am pa naman ang klase niya kaya naghilamos muna siya at nagtoothbrush. Matapos ay nagpalit siya ng sleeveless shirts bago nagbukas ng ref. Kumuha siya ng itlog, hotdog, bacon,at kamatis. Hindi siya gaano kagaling magluto pero alam naman niya ang mga basic. Nagluto siya ng itlog na may kamatis, at nagprito ng hotdog, at bacon. Nang maiayos na niya ito sa mesa ay nakita niyang tumayo na si Keanu at naghilamos at nagmumog. Nanghingi ito ng toothbrush at buti na lang ay mayroon siyang nakatago.

Nagluto siya ng pancit canton free habang nagtotoast ng bread. Nang matapos si Keanu ay ginulo nito ang buhok niya.

"Morning," bati nito. "Want some coffee?" Tumango siya. "Matamis ba?"

"I don't like sweets," sagot niya.

"Noted."

Hinayaan na lang niya ito na ayusin ang mesa at magtimpla ng kape habang niluluto niya pa ang pancit canton. Matapos niya magluto ay si Keanu na ang nag-alis ng tubig at pinaupo na siya nito.

"How about your class?" he asked.

"1pm pa klase ko. Maya na ako uuwi. Ihahatid na muna kita."

Ang likot na naman ng mata niya dahil hindi ito mapirmi. Sinandukan siya nito at sabay na silang nag-almusal dalawa. Tahimik lang silang kumakain dahil hindi rin naman siya sanay na kumain na sobrang ingay.

Si Keanu ang naghugas ng pinagkainan nila habang siya naman ay naligo na. Maaga pa naman pero napag-usapan nilang magkakaibigan na 8am magkita-kita dahil hahanapin pa nila kung saan sila papasok for their subject.

Halos mag-iisang oras siya sa bathroom. Pagbalik niya ay iba na ang suot na damit nito.

"Nagpalit ka?" Keanu nodded. "May dala ka?"

"Yeah, kagabi. Yung bitbit ko hindi naman na ako nakapagpalit pa kagabi eh."

He decided to wears a white long sleeves shirt and a grey trouser pants. Pinatuyo na muna niya ang buhok niya bago naglagay ng lipbalm sa labi. Paglabas niya ulit sa k'warto niya ay may kausap na sa phone si Keanu.

"Yes... I'm fine. Papasok ako later. Yeah, okay." Pagharap nito sa kaniya ay ngumiti ito. "Yeah, sorry. Don't worry behave kami. Yeah. Bye."

Ngumiti lang din siya at kinuha niya ang mga gamit niya. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito pero wala rin naman siyang karapatan na magtanong kaya naging tahimik na lang siya at maingat ang bawat kilos.

"I'm fine na. Let's go?" Nauna siyang maglakad papunta sa elevator. Tinawagan niya rin si Wyatt dahil baka sunduin pa siya. "Wyatt, where you na?"


[Susunduin pa lang ang mahal na reyna. Sunod na ba kita?]

"No. It's okay. Kita na lang tayo sa school. Papunta na ako," sabi na lang niya rito.

MANANATILING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon